BONGGA ang latest milestone ng award-winning actress na si Kathryn Bernardo!
Tumanggap kasi siya ng “Snow Leopard Rising Star” award sa Asian World Film Festival na naganap sa Culver City, California.
Bukod diyan, naging “closing” sa nasabing film festival ang “Hello, Love, Again” na pinagtatambalan ni Kathryn at Alden Richards.
Sa isang Instagram post, proud na ibinandera ng Star Cinema ang ilang pictures ng aktres sa event.
Baka Bet Mo: HLA nina Alden at Kathryn kikita ng P1-B; magdo-donate sa typhoon victims
Nagkaroon pa nga ng acceptance speech si Kathryn nang tanggapin ang award at inaming hindi siya makapaniwala sa pagkilala sa kanya.
“It feels so surreal to be standing here tonight, receiving this award,” bungad niya.
Mensahe pa ni Kathryn, “Thank you so much to the Asian World Film Festival Board of Directors for the incredible honor; not only for recognizing my body of work but for celebrating all the stories that we, Asian artists, continue to share for the world.”
Napa-throwback din ang aktres kung saan inalala niya ang pagsisimula niya sa acting career sa edad na anim.
“Twenty-two years later, I am still here pursuing my first love and my passion, which is acting. Yes, I know it’s a tough job but moments like tonight make it all worth it,” sey niya.
Dagdag pa niya, “It is such an honor to be here representing my fellow Filipinos and my home network ABS-CBN.”
“May we all continue to tell stories that will touch people’s lives,” aniya pa.
Maliban sa tagumpay sa Philippine box office ng “Hello, Love, Again,” ang sequel nito na 2019 blockbuster film na “Hello, Love, Goodbye” ay kumita ng $2 million o mahigit P117 million sa unang araw sa North America.