TINALAKAN at sinigawan ng isang kilalang aktres ang content creator na si Sassa Gurl noong nagtatrabaho pa siya bilang assistant stylist.
Yes, bago makilala at sumikat si Sassa Gurl bilang social media sensation ay kung anu-ano muna ang pinasok niyang work at mga karaketan.
Sa panayam sa kanya ng “Fast Talk with Boy Abunda”, natanong siya kung may katotohanan ang chika na tinarayan siya with matching tili pa, ng isang female celebrity.
“Ay, maldita. Oh my, God! Yes! Pero ‘wag niyo iri-reveal ha?” ang mabilis na sagot ni Sassa kay Tito Boy.
Baka Bet Mo: Alice Dixson nag-explain kung bakit bigla niyang ipinakilala ang ‘panganay’ na anak sa publiko
Kuwento ng vlogger, tinatanong lang naman daw niya sa aktres kung ano sa mga bitbit niyang mga damit ang gusto nitong isuot pero bigla na lang daw siyang sinigawan nito.
“Ang pangit! Ang pangit ko diyan! Hindi ko ikakaganda ‘yan! Maghanap ka ng iba!” ang sabi raw ng aktres sa kanya.
Sabi ni Sassa, 17 years old lang daw siya that time, kaya talagang hurt na hurt siya. Alam naman daw niya sa sarili niya na wala siyang ginawang mali at sablay.
“Dinamdam ko talaga. Ang sakit sa loob. Siyempre, nu’ng pagtalikod niya, inirapan ko,” sey ni Sassa.
Sa tanong kung active pa ba sa showbiz ang malditang aktres, “Hindi ko alam. Pero dama ko, yes, kung nasaan ka man, yes, napaganda mo ang backstory ko. May naikuwento ako kay Tito Boy.”
Nakasama ni Marian Rivera sa pelikulang “Balota” si Sassa na inilaban sa 2024 Cinemalaya. Gumanap siya sa kuwento bilang si Babe, isang progressive youth na sumasali sa mga rally para labanan ang corruption.