One Direction members muling nagsama-sama sa libing ni Liam Payne

One Direction muling nagsama-sama sa libing ni Liam Payne

Liam Payne at ang iba pang miyembro ng One Direction

MULING nagsama-sama ang mga miyebro ng grupong One Direction sa libing ni Liam Payne kahapon, November 20 (oras sa England).

Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang yumaong British singer at isa sa mga member ng One Direction na dinaluhan ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan.

Kabilang na nga riyan ang mga kasamahan niya sa 1D na sina Zayn Malik, Niall Horan, Louis Tomlinson at Harry Styles.

Inilibing si Liam sa St. Mary’s Church sa Buckinghamshire, England.

Baka Bet Mo: Pinoy celebs nabigla, nalungkot sa biglang pagpanaw ni Liam Payne

Nakasakay sa karwaheng puti ang kabaong ni Liam, kung saan may mga nakalagay na bulaklak sa ibabaw nito na may nakasulat na “Daddy” at “Son.”

Naging emosyonal naman ang fans ng One Direction nang makita ang mga litrato at video nang pagpunta ng One Direction sa libing ni Liam na tinawag pa nilang, “the reunion that we never asked.”


“This breaks my heart again.”

“A heartbreaking reunion.”

“Liam’s dream to reunite with his bandmate.”

“The brothers reunited. Right people, wrong time.”

“The boys are back to say goodbye for one last time.”

“The irony of it all. Reunion at a funeral.”

Namatay si Liam noong October 16, matapos mahulog mula sa 3rd floor ng balkonahe ng tinutuluyan niyang hotel sa Argentina.

Nakunan ng CCTV ang pagkalaglag niya mula sa ikatlong palapag ng CamSur Hotel, sa Buenos Aires, Argentina.

Base sa ulat, hindi nagpakamatay si Liam tulad ng mga unang naglabasan sa social media at pinaniwalaan ng ilang fans ng singer.

Ayon sa Argentinian broadcast journalist na si Paula Varela, aksidente ang pagkalaglag ni Liam sa naturang hotel dahil nawalan muna umano ito ng malay bago mahulog.

Sabi ni Varela, nakunan ng CCTV ang insidente ngunit hindi umano isinapubliko ng mga otoridad ang footage kung saan makikitang hindi tumalon si Liam mula sa balkonahe ng kanyang hotel room.

“There is footage that is not being released to the media with the balcony scene where you see that Liam faints and tragically because of where he is, falls from that balcony.

“If he had been beside his bed, he would have fallen on his bed.

“It’s not that he jumped deliberately. This footage is in the official case files,” ayon sa pahayag ni Valera sa programang Socios del Espectaculo na ipinalalabas sa Argentinian TV network na Canal 13.

Read more...