Daniel aktibo sa relief operation, balak mag-concert sa Leyte
Nakakatuwang malaman na kahit mga batang celebrities ay gumagawa ng paraan para makatulong sa mga nasalanta ng bagong Yolanda, at isa na nga riyan ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla.
Ito’y matapos ngang masiguro nina Daniel na maayos ang kalagayan ng lola at iba pang kaanak nila sa Tacloban. Mabilis ding nagsagawa ng relief mission ang pamilya ng aktor.
“Sa bahay ko ngayon merong relief donation, doon na lang kami sa bahay gumagawa tapos ipinadadala na lang namin.
Kailangan talaga ‘yung tulong eh, tapos siyempre kababayan eh. Lahat naman tayo dito magkakapamilya,” aniya.
“Wala naman sa edad yan, eh. Walang tanda-tanda pagdating sa pagtulong, lahat tayo pare-pareho lang depende lang ‘yon kung paano ka tutulong,” dagdag ni Daniel.
Kung mabibigyan ng pagkakataon, gustung-gusto ni Daniel na makapunta sa ilang lugar na nasalanta ng bagyo, lalo na sa Tacloban at Leyte at mag-organize doon ng isang benefit show. At sana nga ay matuloy ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.