Claudine binanatan dahil sa mga qualification na hinahanap sa isang P.A.

Claudine inokray sa mga qualification na hinahanap sa isang P.A.

Claudine Barretto

NALOKA ang mga netizens sa announcement ni Claudine Barretto sa social media tungkol sa paghahanap niya ng super “multi-tasker” personal assistant.

Nag-post ang aktres sa Instagram na kailangan niya ng all around assistant para matulungan siya sa sandamakmak na gawain niya sa bahay pati na sa kanyang mga trabaho.

Ang ilan sa mga requirement, kailangan daw may experience sa accounting, keribels na ayusin at planuhin ang kanyang schedule, sanay sa puyatan at kayang asikasuhin ang pangangailangan ng kanyang mga anak.

“Palanggas pls help me find pwedeng stay in na secretary, Personal assistant na sana sanay sa puyatan at very masipag, marespeto,” simulang pahayag ng aktres.

Baka Bet Mo: Claudine Barretto puring-puri nang pumayat, dinipensahan ang assistant sa mga bashers

Patuloy ni Claudine, “Better if yung personal assistant may experience din sa accounting, take care of the schedule ko at mga bata.

“Also sya magpapatakbo ng lahat sa bahay namin & sanay sa puyat kasi ganu’n po talaga sa shootings/tapings. yung masipag, alerto, multitasker gaya ko po. at important very neat & organized,” sabi pa ng aktres.


Sa huli, nakiusap pa siya sa mga netizens na ipagdasal siya na sana’y makahanap siya ng tamang tao na magsisilbing P.A. niya.

“Pls pray na tamang tao ang makukuha ko to be an assistant. pls send you’re bio data/resume, NBI CLEARANCE. Thanks you Kindly send all requirements to kris.angeli@yahoo.com. hope to hear from all of u the soonest (praying hands emoji).

“Please pray for the perfect personal assistant/accountant. maraming maraming salamat po sa inyo. thank u for the help in advance. Godbless po sa inyong lahat (praying hands, heart emojis,)” dugtong pa ni Claudine.

Iba’t iba ang naging reaksyon ng mga netizen sa panawagan ng aktres pero karamihan ay naloka at nawindang sa dami ng ibibigay na trabaho sa P.A.. Curious rin sila kung magkano ang pasweldo ni Clau.

“How much for a 3 persons’ job?”

“Okay lang magmulti task, pero yung puyatan, hindi po makatarungan yan. Ang tao po ay kelangan ding magpahinga, hindi po employee or personal assistant ang kelangan nyo, ang tawag dyan slave.”

“I suggest po idol that you hired 2people for this job. Yung ngsisimula plang sa work struggled na yan, until you used to it. Matinding patience po kailangan.”

“Ang personal assistant at accountant isang tao na! Ang manage your house to be clean and tidy at mga bata is a serious job. If isang tao lang to. Di po yan tatagal. Need po ng rest ng tao. Pwede mo din sila Palitan para balance. Patas din saba sa salary offer. GODBLESS po Idol.”


“Hindi ako basher pero seryoso ka dyan? Yang hinihinge mo trabaho nayan ng ibat ibang tao. Gusto mo accountant, P.A mo, yaya ng mga anak mo, Tapos katulong sa bahay nyu. Labag nayan sa work ethics at human rights. Willing kaba sahoran yang tao sa ibat-iba trabaho na hinihinge mo?”

“Manage the house and mga bata? Tapos secretary pa and accountant? Seryoso iisang tao lng for that job tapos sanay pa daw s puyatan and multi tasking?????”

“Maybe mag hire si ms claudine ng 2 na staff nya. Otherwise hindi lahat maasikaso yung mga ibang trabaho na pinapagawa nya.. suggestion lang po.”

“That’s so interesting. Personal assistant na pwede yaya for how many kids at puyatan daw. So that’s personal assistant, accountant, yaya at mayordoma in one person?”

Read more...