Aegis sa pagpanaw ni Mercy: Hindi kami prepared na ganu'n kabilis

Aegis sa pagpanaw ni Mercy Sunot: Hindi kami prepared na ganu’n kabilis

Ervin Santiago - November 21, 2024 - 10:00 AM

Aegis sa pagpanaw ni Mercy Sunot: Hindi kami prepared na ganu'n kabilis

Mercy Sunot

NA-SHOCK din ang mga miyembro ng Aegis sa pagpanaw ng kanilang lead vocalist na si Mercy Sunot dahil sa breast at lung cancer.

Hindi kasi nila akalain na magiging ganu’n kabilis ang laban ng OPM artist sa dalawang cancer na tumama sa kanya.

“Hindi kami prepared na ganu’n kabilis ang mangyayari na mawawala si Mercy. Actually, noong March na umalis si Mercy para magpagamot, tuloy lang talaga. Kasi ang grupo ay intact talaga.

“So, nagpe-perform pa rin naman sila, tumutugtog,” ang pahayag ng business manager ng Aegis na si Josie Galindo sa panayam ng ABS-CBN.

Baka Bet Mo: Fans ng Aegis shocked sa pagpanaw ni Mercy Sunot: Ang bilis ng pangyayari

“Ang plano kasi namin talaga, habang nasa U.S. si Mercy, walang magbabago at tumatanggap pa rin kami ng mg gigs at shows. Iyon talaga ang plano kasi expected namin na babalik pa si Mercy.

“Pero this time na nawala na si Mercy, so ang focus na lang namin ay yung anim, at hindi magbabago dahil naniniwala kami na kaya nu’ng dalawang magkapatid, sina Juliet at Ken,” dagdag pa ni Josie.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ibinalita rin niya na hindi na muna talaga nila isinama si Mercy sa kanilang comeback at Valentine concert na “Halik Sa Ulan” concert na magaganap sa February, 2025 upang tuluy-tuloy ang kanyang pagpapagamot.

“Since ang alam namin, na ang treatment ng cancer is long term, talagang pati ang pictorial, preparations, anim lang sila. Para at least aware ang mga fans na magpe-perform ang banda nang anim lang.

“Ang band naman, hoping kami na makakasama namin si Mercy pero hindi ganu’n ka-soon kasi nga nagpapagamot siya, and hindi rin kami prepared na mawawala siya.

“Pero plano sana namin na special guest namin siya para sa February concert,” paliwanag pa ng business manager ng iconic OPM group.

Bibigyan din daw nila si Mercy ng tribute sa magaganap na concert. “Nag-decide ang aming producer na part ng show, gagawa ng tribute para kay Mercy, and part ng proceed, ibibigay rin sa family.”

Siniguro rin ni Josie na hindi madi-disband ang Aegis sa kabila ng pagyao ng kanilang lead vocalist kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng taong patuloy na sumusuporta sa kanilang banda mula noon hanggang ngayon.

Samantala, kapag naiuwi na ang labi ni Mercy sa Pilipinas ay plano nilang magsagawa ng public viewing para sa mga nais magbigay ng kanilang huling pamamaalam sa singer.

“Nagpapasalamat kami sa mga tao doon sa U.S. na nag-raise ng funds para makatulong na maiuwi ang mga labi ni Mercy sa Pilipinas, dahil medyo may kamahalan ang magagastos, kaya salamat dahil ginagawa nila yun para kay Mercy.

“Ang request na lang ng family, ipauwi si Mercy nang buo, hindi ipapa-cremate doon.

“Actually, marami ang nagtatanong, mga kaibigan, fans, producer, and sa napag-usapan namin ni Juliet, pagbigyan namin ng one night or two nights viewing yung mga gusto makiramay sa family at para na rin sa mga nagmamahal na mga fans.

“Pero sa ngayon, hindi pa talaga namin masasagot dahil sabi ng US side, two to three weeks pa bago maiuwi ang body,” paliwanag ni Josie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pumanaw si Mercy habang naka-confine sa Stanford Hospital and Clinics sa San Francisco, California, noong umaga ng November 18 (Manila time).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending