GAME ang itinanghal na kauna-unahang Miss Universe Asia na si Chelsea Manalo sa pagpasok sa mundo ng showbiz at subukan ang pag-aartista.
Hindi raw isinasara ng naging representative ng Pilipinas sa naganap na Miss Universe 2024 ang posibilidad na i-try ang showbiz dahil bagong challenge na naman daw ito para sa kanya.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay nasa Amerika na ang dalaga kasama ang kanyang mga magulang na present din sa Miss Universe 2024 coronation night sa Mexico para personal na saksihan ang kanyang journey.
“I’m just so happy I get to make it here in Miss Universe. Never in my wildest dreams did I think I’d get to do so.
Baka Bet Mo: Video ni Chelsea Manalo bilang empleyado sa hotel viral na, bakit kaya?
“I used to be just that little girl hoping that one day I’ll be in front of that Universe stage and I did. I did my best. I’m so happy I was with so many powerful women,” ang pahayag ni Chelsea sa isang interview.
Dagdag ng Pinay beauty queen na umabot sa Top 30 ng Miss Universe this year, “I think nag-add din ‘yung adrenaline to the fact na there’s 120 girls. It was fun.
“Yung growth as a person, nakita ko na mas matapang na ako, hindi na natatakot sa kahit ano that will come my way,” saad ng dalaga.
Muli rin siyang nagpasalamat sa mga Pinoy pageant fans na sumuporta sa kanya, “Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat, sa suportang at tiwalang ibinigay niyo sa akin. Nilaban ko kayo, at tuloy tayong lalaban. That’s how Filipinos are.
“When I was competing in Miss Universe Philippines, wala ako ganitong kalaking suporta pero when we came in here parang mas naging doble ‘yung support mayroon ako,” aniya pa.
Two weeks mananatili sa US si Chelsea with her parents habang waiting sa mga magiging duties and responsibilities niya bilang Miss Universe Asia.
“I’m going to make the most of this time to be with them,” sey ni Chelsea.
At nang matanong kung posible rin ba niyang pasukin ang larangan ng acting,“I would really like to try that.”
In fairness, ngayon pa lang ay siguradong marami na ang magiging interesado kay Chelsea, kabilang na ang mga producers. Pero mga ka-BANDERA, sino sa tingin n’yo ang bagay sa kanya bilang leading man?