LAUGH kami nang laugh sa naging usapan ni Neri Miranda at ng kanyang anak na si Miggy tungkol sa sports na boxing.
Nag-share ang wifey ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda sa kanyang Instagram page ng litrato ni Miggy na nasa harap ng kanilang TV kung saan makikita sa screen ang boxing bout nina Myke Tyson at Jake Paul.
Sabi ni Neri sa caption ng kanyang IG post, “Yung anak mong mahilig sa boxing.” Kasunod nito ang naging takbo ng convo nila ng anak.
Baka Bet Mo: Baby boy uli ang magiging anak nina Chito at Neri: May brother na si Miggy!
“Miggy: Mom, who do you think is gonna win? Mike Tyson or Jake Paul?
“Neri: Tyson? Hindi ko naman kilala yung Jake Paul. Paul Jake kilala ko.
“Miggy: Jake Paul is the brother of the owner of Prime. You know Prime, right? I think Jake Paul’s advantage is that he’s young and moves quickly compared to Tyson.
“But Tyson, on the other hand, being a legend, has years of experience in boxing.
“On that note, I’m rooting for Tyson because of his undeniable knowledge of boxing,” ang sabi pa raw sa kanya ni Miggy.
Hirit uli ni Neri, “Hindi na lang ako sumagot, mahirap sundan ang ganyang level ng Englishan.
“May pa on the other hand pa at undeniable knowledge. Mag usap kayo ng tatay mo, busy ako sa pagluluto ng lunch nyo,” dagdag pa niya.
Maraming mommy ang naka-relate sa mga hugot ni Neri at pati sila at natawa rin sa usapan ng mag-ina.
“When your kids are englishing. relate isa lang anak ko pero pag convo na kami at madami na sya tanong minsan napapaisip na lang ako kaya ko pa ba panindigan.”
“So you acted….nonchalant??? Hahaha mare.”
“Hirap talaga pag nosebleed.”
“Natawa po ako sa paul jake.”
“Di ko din kilala si Jake Paul pero kilala ng mga anak ko kasi Youtuber daw sila at kapatid ni Logan Paul na creator ng Prime.”
“Ms Neri, mas Malala ako…nagugulat pa ako pag ginagamit ng bunso ko mga ‘apparently’ at ‘doubtful’ na words na sa akin pala Nya naririnig.”
“Super smart ng anak mo. Ako din ngyun kolang nalaman na kapatid pala ng me ari ng Prime c Paul Jake.”