Sherilyn Reyes na-scam na ng P37-M, pinagnakawan pa ng assistant

Sherilyn Reyes na-scam na ng P37-M, pinagnakawan pa ng assistant

Sherilyn Reyes

BUKOD sa na-swindle ng P37 million ng mga pinagkatiwalaang tao, pinagnakawan pa si Sherilyn Reyes-Tan ng kanyang personal assistant.

Iyan ang naging rebelasyon ng aktres nang mapag-usapan ang tungkol sa trust issues at ang pananamantala ng mga taong inakala mong hindi ka gagawan ng masama.

Sa panayam ng programang “Lutong Bahay” sa GTV, hosted by Mikee Quintos, ibinahagi ni Sherilyn ang ginawang panloloko sa kanya ng ilang malalapit sa kaniyang buhay.

Kuwento ng aktres at celebrity mom, mismong ang kasosyo niya sa itinayong negosyo ang nag-swindle sa kanya na milyon-milyong halaga ang involved.

Baka Bet Mo: Pamilya ni Sherilyn napilitang lumipat ng bahay dahil sa mga naranasang kababalaghan; anak minarkahan ng ’14’

“Kasi, nagbebenta ako ng mga high-end luxury bags. Doon meron akong ka-deal for two years, okay naman kami, it’s just that nagkaroon din siya siguro ng ibang challenges, ‘yung ibang offers hindi naman niya na-disclose lahat.

“Doon nag-umpisa na siyempre, nadamay na kami ng mga suppliers niya,” lahad ng aktres.


“Start from zero kami. Medyo malaki talaga ‘yung amount tapos nagdoble pa because nag-pandemic so nagkaroon ng interest. P37 (milyon),” pagbabahagi ni Sherilyn.

Hanggang ngayon ay hinahanting pa rin nila ang tinutukoy na business partner, “Siyempre may kasalanan siya sa amin, kailangan niyang magbayad. Ipapakulong ko siya.”

Naibahagi rin ni Sherilyn na pati ang kanyang personal assistant ay pinagnakawan siya, mula sa pera hanggang sa mga gamit niya sa bahay.

“Matagal na ‘yon. Actually, because siguro dahil PA ko siya, ‘pag PA mo kasi trusted mo tapos five years na. Pero ito naman, parang sumobra rin because ‘yung hinahawakan na rin niya ‘yung ATM ko,” aniya.

Sabi ng aktres at negosyante, nalaman niya ito nang hindi nagbalanse ang pina-withdraw niya sa personal assistant sa laman ng pag-aaring ATM.

“Kung tatanungin mo ako kung magkano ‘yung nakuha, hindi ko talaga alam. Hindi naman sa ganu’n kadami. Let’s say, P5,000 lang ‘yun, hindi ko rin alam,” sabi ng aktres at dating TV host.

Dagdag pa niya, “Tapos nakita ko rin na halimbawa, meron akong damit tapos na-stain niya, tinatago niya, hindi na niya sinasabi sa akin.

“Tapos halimbawa may bag akong nawawala. But because hindi ko na naisip, makikita ko gamit niya pala. May mga ganu’n,” ang nalokokang kuwento pa ng aktres.

Hanggang sa dumating yung araw na talagang hinarap at kinompronta niya ang kanyang PA, “In fact, dumating ‘yung time na pinaalis ko na siya.

“Pero noong umalis siya, umalis siya nang maayos, nag-sorry, tumawag pa siya sa akin ulit tapos nag-‘I love you’ pa. Hindi na tama. Hindi, parang tanga na ‘to, hindi na ito kabaitan, tanga na talaga,” ang sabi pa raw ni Sherilyn sa kanyang sarili.

Read more...