Mary Jane Veloso pauuwiin na sa Pinas mula sa Indonesia – PBBM

Mary Jane Veloso pauuwiin na sa Pinas mula sa Indonesia - PBBM

Mary Jane Veloso

MAKAKABALIK na sa Pilipinas si Mary Jane Veloso, ang OFW na sinentensyahan ng death penalty sa Indonesia dahil sa kasong drug trafficking.

Mismong si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang nag-anunsiyo nito sa publiko makalipas ang mahigit isang dekada ng pakikipag-usap sa Indonesian government.

“Mary Jane Veloso is coming home,” ang nakasaad sa Facebook post ni PBBM kahapon, November 20.

Aniya pa sa official statement, “Arrested in 2010 on drug trafficking charges and sentenced to death, Mary Jane’s case has been a long and difficult journey.

Baka Bet Mo: Daniel, Angel matapang na nagkomento ukol kasong sex trafficking ni Quiboloy

“After over a decade of diplomacy and consultations with the Indonesian government, we managed to delay her execution long enough to reach an agreement to finally bring her back to the Philippines.

“Mary Jane’s story resonates with many: a mother trapped by the grip of poverty, who made one desperate choice that altered the course of her life.

“While she was held accountable under Indonesian law, she remains a victim of her circumstances,” ang pahayag pa ng Pangulo.


Pinasalamatan din ni PBBM ang pangulo ng Indonesia at sa kanyang administrasyon dahil sa pagpapakita nito ng “goodwill” sa Pilipinas.

“I extend my heartfelt gratitude to President Prabowo Subianto and the Indonesian government for their goodwill.

“This outcome is a reflection of the depth our nation’s partnership with Indonesia—united in a shared commitment to justice and compassion.

“Thank you, Indonesia. We look forward to welcoming Mary Jane home,” sabi pa ng Pangulo.

Wala namang nabanggit si PBBM kung kailan makakauwi ng Pilipinas si Veloso at kung ano ang mangyayari sa pagbabalik niya sa bansa.

Samantala, sa isang panayam bago ang announcement ni PBBM, nagsalita ang legal counsel ni Veloso na si Atty. Edre Olalia.

“Unique and novel yung situation kaya nagbibigay siya ng bagong pag-asa kasi kung tutuusin mo, kung walang death penalty sa Pilipinas, ano ‘yung susunod na kaparusahan ay ‘yung tinatawag na life imprisonment,” aniya sa Teleradyo Serbisyo.

“Unique siya, welcome development siya kasi nagbuka eh. Matagal na panahon na nananawagan tayo ng klemensiya sa Indonesia, sa dati nilang presidente, eh ito medyo bumuka. Kasi malinaw diyan sa pahayag na isinasalin na sa Philippine government ang pagpapasya,” aniya pa.

Dagdag pa ni abogado, “Sa sitwasyon ni Mary Jane, nakalagay doon sa pahayag na inililipat ng Indonesia sa option, o responsibilidad, o pagpapasya ng Philippine government, kung gusto nito magbigay ng klemensiya.

“Pero sa panig ng Indonesia, as far as Indonesia is concerned, tumitindig sila na ‘yung conviction of death penalty ay dapat respetuhin,” sabi pa niya.

In-abolish ang death penalty sa Pilipinas noong 2006 sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Read more...