TUTULUYAN ng GMA Pictures at Star Cinema ang mga namimirata ng matagumpay na “Hello, Love, Again” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Naglabas na ng warning ang mga producer ng “HLA” sa pamamagitan ng social media laban sa mga sindikatong sangkot sa pangongopya at pagda-download ng naturang pelikula na idinirek ni Cathy Garcia-Sampana.
Ayon sa official statement ng ABS-CBN Studios, Star Cinema at GMA Pictures, hindi nila tino-tolerate ang anumang klase ng piracy at gagawin nila ang lahat upang maparusahan ang mga piratang ito.
“Star Cinema and GMA Pictures are in the process of pursuing legal action against people who have been selling, posting and sharing the film.
Baka Bet Mo: Shooting ng KathDen movie sa Canada napilitang lumipat dahil sa fans
“Violators will face 9 years of imprisonment and P1.5 million penalty,” ang bahagi ng opisyal na pahayag ng mga producer ng “Hello, Love, Again.”
“To report pirated Hello, Love, Again videos, send an e-mail at Report-Piracy@abs-cbn.com with a link of the illegal content and the subject line Report Piracy (Hello Love Again),” ayon pa sa statement.
Samantala, bukod sa Pilipinas, ipinalalabas na rin ngayon sa Australia, New Zealand ang nasabing pelikula, pati na rin sa Amerika, Canada, Guam, Saipan at London.
Sa November 21 naman mapapanood na rin ang reunion movie nina Alden at Kathryn sa UAE, Oman, Qatar, KSA at Bahrain.
Lilipad din ang dalawa patungong LA, Toronto, at Dubai para um-attend sa mga soldout special screenings doon. Bukod dito, dadalo rin ang KathDen sa 10th Asian World Film Festival, kung saan magiging feartured closing film ang “Hello Love Again”.
Sa loob lamang ng tatlong araw ay kumita na agad ng mahigit P245 million ang movie at showing pa rin ngayon sa 1000 cinemas nationwide.