Sofia, Daniel inintriga dahil sa latest photoshoot: ‘Prenup ba ‘to?’

Sofia, Daniel inintriga dahil sa latest photoshoot: ‘Prenup ba ‘to?’

PHOTO: Instagram/@iamsofiaandres

NAGING palaisipan sa ilang netizens ang latest photoshoot ni Sofia Andres at ang kanyang boyfriend na si Daniel Miranda.

Wala silang picture together, pero makikita sa Instagram na nasa iisang lokasyon lang sila.

Todo awra ang dalawa sa baybayin ng karagatan, kasama ang ilang malalaking puting kabayo.

Wala ring caption si Sofia sa post, kundi mga emojis ng dalawang kabayo at isang diyamante.

Baka Bet Mo: Sofia Andres na-‘trauma’ sa pagtataksil ng stylist, Max Collins damay sa isyu?

Dahil diyan, may mga naintriga sa ibinandera ng aktres na tila espesyal ang tema ng kanilang pictures.

Karamihan sa kanila, tinatanong si Sofia kung ito ay prenup photos na nila ng longtime partner.

Wala pang malinaw na sagot diyan ang celebrity mom, pero pinagla-like niya ang mga komentong ito.

Sa isang panayam noong Mayo, emosyonal na ibinunyag ng aktres na hindi pa sila handang magpakasal ng boyfriend.

“Siguro it’s not the time yet talaga. In God’s time,” sey niya. 

Paliwanag ng aktres, “Kasi married o hindi, you’ll never know kung kayo ba talaga. Kasi may married na naghihiwalay pa rin. Meron namang hindi married na nagtatagal naman.”

Nabanggit din niya na napag-uusapan na nila ito ng kanyang partner at napagdesisyunan na hindi nila kailangang madaliin ang pagpapakasal.

“I was telling my partner, Daniel –kasi he’s not complete also, his family. So if we’re not ready, we don’t have to rush it,” sambit ng celebrity mom.

Ayon pa kay Sofia, nais muna nilang pagtibayin ang foundation ng kanilang relasyon at ang pinakamahalaga riyan ay ‘yung respeto nila sa isa’t-isa.

“Respect is important, respect talaga. ‘Yung love, nandiyan lang ‘yan eh. ‘Yung respeto, hindi naman ‘yun agad nakukuha,” wika ng Kapamilya actress.

Kung matatandaan, taong 2015 pang magdyowa ang couple at mayroon silang anak na si Zoe na isinilang noong 2019.

Read more...