MAS lumakas at naging isang “super typhoon” na ang bagyong Ofel, ayon sa 8 a.m. weather report ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong araw, November 14.
Huling namataan ang bagyo sa layong 165 kilometers silangan ng Tuguegarao City sa Cagayan.
Ang taglay nitong lakas na hangin ay 185 kilometers per hour malapit sa gitna at bugsong aabot sa 230 kilometers per hour.
Ang kilos nito ay papuntang hilaga sa bilis na 15 kilometers per hour.
Bilang lalo pang lumakas ang weather disturbance, itinaas na sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 5 ang northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga).
Baka Bet Mo: Pamilya, kaanak ng BINI members nabiktima rin ng bagyong Kristine
Nasa Signal No. 4 ang ilan pang bahagi ng Luzon kabilang na ang southeastern portion ng Babuyan Islands (Camiguin Is.), northern and eastern portions ng mainland Cagayan (Santa Teresita, Ballesteros, Aparri, Camalaniugan, Buguey, Lal-Lo, Allacapan, Gattaran, Baggao, Peñablanca) at ang northeastern portion ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan).
Naka-Signal No. 3 naman ang nalalabing bahagi ng Babuyan Islands at ng Cagayan, gayundin ang northern, central, and southeastern portions ng Isabela (San Pablo, Delfin Albano, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Santa Maria, Santo Tomas, San Mariano, Dinapigue), northern portion ng Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol, Calanasan, Kabugao), at northern portion ng Ilocos Norte (Pagudpud, Adams, Dumalneg).
Signal No. 2 ang Batanes, western and southern portions ng Isabela (Quezon, Quirino, Mallig, San Manuel, Aurora, Cabatuan, City of Cauayan, Benito Soliven, Naguilian, Gamu, Burgos, Reina Mercedes, Luna, Roxas, Angadanan, Alicia, San Guillermo, Echague, Jones, San Agustin, San Mateo, San Isidro), northeastern portion ng Quirino (Maddela), the rest of Apayao, Kalinga, northeastern portion ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Daguioman), eastern portion ng Mountain Province (Paracelis), eastern portion ng Ifugao (Alfonso Lista), the rest of Ilocos Norte, at northern portion ng Aurora (Dilasag).
Nasa Signal No. 1 naman ang natitirang lugar ng Isabela, Nueva Vizcaya, the rest of Mountain Province, the rest of Ifugao, the rest of Abra, northern portion ng Benguet (Bokod, Mankayan, Kapangan, Atok, Kabayan, Kibungan, Bakun, Buguias, Tublay), Ilocos Sur, northern portion ng La Union (Luna, Sudipen, Bangar, Santol, San Gabriel, Bagulin, Bacnotan, Balaoan, San Juan), at northern and central portions ng Aurora (Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler, San Luis).
Bukod sa Bagyong Ofel, binabantayan din ng PAGASA ang isa pang bagyo na may international name na Man-Yi.
Namataan ito sa layong 1,510 kilometers silangan ng Eastern Visayas.
Ayon sa weather bureau, ito ay posibleng pumasok ng ating bansa at tatawaging “Pepito.”