Ogie naiiyak sa pagpapakasal ni Leila, may ibinuking sa future manugang

Ogie naiiyak sa pagpapakasal ni Leila, may ibinuking sa future manugang

Ogie Alcasid, Leila Alcasid at Curtismith

HINDI kasundo ni Ultimate Singer-Songwriter Ogie Alcasid ang fiancé ng kanyang anak na si Leila Alcasid noong una niya itong makilala.

Inamin ni Ogie na isa sa mga rason kung bakit hindi siya kumportable sa partner ni Leila na si Mito Fabia o mas kilala bilang Curtismith sa music industry ay dahil parang hindi pa niya ito matanggap.

Ayon sa OPM icon, kahit 27 years old na raw ang panganay na anak nila ng dating asawang si Michelle Van Eimeren ay “little girl” pa rin ang turing niya rito.

Baka Bet Mo: Anak ni Ogie Alcasid na si Leila ‘engaged’ na sa BF na si Curtismith

Sa katunayan, parang ang feeling niya ay hindi pa talaga siya handa sa pagpapakasal ni Leila kahit pa nga nasa tamang edad na rin ang dalaga para bumuo ng sariling pamilya.


Nitong nagdaang September ay ibinander ng nina Leila at Mito ang kanilang engagement sa pamamagitan ng Instagram. Sey ni Leila sa caption ng kanyang post, “The most special anniversary gift.”

Sa isang picture na ibinahagi niya sa IG kasama ang fiancé ay makikita ang kanyang daliri suot ang engagement ring.

Sa Tuesday episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ay natanong kung handa na ba si Ogie na ihatid sa altar si Leila. Ani Ogie, “Oo. Yes, yes, yes.”

Sinundot ito ni Tito Boy ng tanong kung ano ang nararamdaman niya ngayong engaged na ang panganay na anak at very soon ay ihahatid na niya si Leila sa altar.

“Iniisip ko pa lang ngayon, umiiyak ako, e. Kasi, ang tingin ko kasi sa panganay ko, kahit 27 na po siya, ang tingin ko pa rin sa kanya is a little girl,” sey ni Ogie.

Pero proud naman siya sa engaged couple dahil nakikita niya ang mga ito na nagmamahalan at responsable sa kanilang relasyon.


Pagmamalaki pa ni Ogie sa future husband ni Leila, “He’s a very nice man.”

Rebelasyon pa ni Ogie, hindi sila okay noong una ni Mito, “We didn’t start off on the right foot nu’ng simula but we understand each other, we communicate well, saludo ako sa kanya sa pag-aalaga niya sa anak ko.”

Sa isang panayam kay Ogie inamin niyang totoong na-hurt siya noong magdesisyon si Leila na makipag-live in na kay Mito.

“Ito naman ay open naman ito, ‘yung panganay ko, actually, bumukod, na ikinasama ng loob ko at sinabi ko sa kanilang dalawa ng boyfriend niya, ‘Bakit hindi kayo nagsabi sa akin?’

“E, alam mo naman ang kabataan, hindi magsasabi ‘yan e at lalo mong pipigilin, gagawin pa rin nila,” lahad ni Ogie.

Read more...