BINI 1st-ever Pinoy na nagwaging ‘Best Asia Act’ sa MTV EMA

BINI 1st-ever Pinoy na nagwaging ‘Best Asia Act’ sa MTV EMA

Pauline del Rosario - November 11, 2024 - 10:22 AM

BINI 1st-ever Pinoy na nagwaging ‘Best Asia Act’ sa MTV EMA

PHOTO: Instagram/@bini_ph

IBANG level ang bagong milestone ng nation’s Pinoy pop girl group na BINI!

Gumawa kasi sila ng kasaysayan sa MTV Europe Music Awards na kung saan ay nagwagi silang “Best Asia Act” ngayong taon.

Natalo nila ang kapwa-nominees mula sa iba’t-ibang bansa, kabilang na ang ILLIT, Sakurazaka46, Mahalini, at Masdo.

Ang masayang balita ay ibinandera mismo ng award-giving body sa X (dating Twitter).

“It’s official! @BINI_ph has taken the #MTVEMAs Best Asia Act award for 2024! Show your love in the comments and let’s keep the celebration going,” saad sa caption.

Baka Bet Mo: BINI Jhoanna idol si Kathryn: Malaking part siya kung sino ako ngayon

Lubos namang nagpasalamat ang lider ng grupo na si Jhoana sa natanggap na parangal, habang si Mikha naman ay umaasang ito ang magiging daan upang makilala ang Pinoy music sa international stage.

“We hope that you can keep sharing our music with you and that it tells more about Filipino music,” sey ng BINI member.

Siyempre, hindi rin nila pinalampas ng grupo na ibida ang kanilang achievement sa social media platforms.

“BINI wins Best Asia Act at this year’s MTV EMA! This honor means the world to us, seeing Filipino music shine on the global stage. Maraming salamat po,” sambit sa post.

Kasunod niyan ay nagpasalamat ang BINI sa kanilang fans at supporters na patuloy na naniniwala sa kanila.

“To our incredible supporters, thank you for voting and believing in us. You inspire us to keep uplifting Filipino talent,” mensahe nila.

Gaya ng nauna naming nasabi, ang BINI ang kauna-unahang Pinoy artist at grupo na nanalo ng nasabing award sa MTV EMA.

Iba ito sa “Best Southeast Asian Act” ng nasabing award-giving body na kung saan ay naiuwi nina Sarah noong 2014 at James Reid noong 2017.

June 2021 nang mag-debut ang BINI kasabay ng kanilang single na “Born To Win.”

Ilan pa sa mga hit songs nila ay ang “Pantropiko,” “Salamin, Salamin,” “Lagi,” “Karera,” “I Feel Good,” at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending