Chris Evans, Dwayne Johnson may kakaibang ‘chemistry’ sa ‘Red One’

Chris Evans, Dwayne Johnson may kakaibang ‘chemistry’ sa ‘Red One’

PHOTO: Courtesy of Warner Bros. Pictures

MAGANDA na nga ang movie, maganda pa ang chemistry ng Hollywood stars na sina Chris Evans at Dwayne Johnson sa pinagbibidahan nilang pelikula na “Red One.”

Ito lang ang masasabi ng BANDERA bilang napanood na namin ang action comedy film bago umarangkada sa mga lokal na sinehan noong November 6.

Until now ay showing pa rin ang movie at swak na swak ito bilang bonding time ng buong pamilya, magdyowa o magkakaibigan ngayong nalalapit na holiday season.

Kakaiba ang pagsasama ng dalawang aktor dahil bukod sa bagay sila sa ginampanang roles ay talagang may chemistry sila sa isa’t-isa bilang action partners.

At speaking of action, asahan niyo na ang ilang intense at astig na maakyong bakbakan with matching katatawanan na lalong nagpaganda ng vibes ng movie.

Baka Bet Mo: LIST: Hollywood films na kaabang-abang ngayong Nobyembre

Bukod diyan, siguradong sulit ang dalawang oras niyo sa sinehan dahil napakaraming sorpresa na eksena na hindi na nga namin nagawang mag-toilet break.

At syempre, hindi naman namin pwedeng i-spoil ang movie, kaya ito na muna ang synopsis na inilabas ng Warner Bros. Pictures:

“After Santa Claus – Code Name: RED ONE – is kidnapped, the North Pole’s Head of Security (Dwayne Johnson) must team up with the world’s most infamous bounty hunter (Chris Evans) in a globe-trotting, action-packed mission to save Christmas.”

Star-studded ang pelikula dahil bukod kina Chris at Dwayne, tampok din ang bigating international stars na sina Lucy Liu, Kiernan Shipka, Mary Elizabeth Ellis, Nick Kroll, Kristofer Hivju, J. K. Simmons at Bonnie Hunt.

Ang pelikula ay mula sa direksyon ng sikat na screenwriter and producer na si Chris Morgan.

Para sa kaalaman ng marami, siya rin ang nasa likod ng blockbuster films kagaya ng “Fast & Furious” franchise, “The Mummy,” “Shazam! Fury of the Gods,” “47 Ronin,” at marami pang iba.

Read more...