MATAPOS ang balitang nasunog ang sports car ni Angie Mead King, naaksidente naman ang actor-model na si Troy Montero gamit ang kanyang race car.
Ibinandera mismo ni Troy ang nangyari sa kanya bago sumabak sa kanyang racing competition.
Sa Instagram, makikita ang video na wasak na wasak at nakuping harapan ng kanyang kotse.
May clip din na mapapanood ang POV niya na mabilis na nagmamaneho sa racetrack at bigla siyang nawalan ng kontrol sa pagliko kaya nabangga na siya sa mga harang.
Agad itong dinala ni Troy sa paggawaan upang ma-repair ang nasira sa kotse at makapag-race pa.
Baka Bet Mo: Troy, Aubrey umamin sa kumalat na sex video: ‘Sobrang tagal na ‘nun!’
“I had a pretty big crash this morning,” bungad niya sa nasabing post.
Tiniyak niyang ligtas siya sa nangyari, pero hindi raw maganda ang sinapit ng kanyang kotse.
“It’s gonna take a miracle for the boys to fix it in time for today’s race. I’m not even sure it’s possible but the team said they will try their best…,” wika pa niya.
Pagtitiyak pa niya sa IG, “Again, I’m OK [thumbs up emoji].”
Tiningnan namin ang previous posts ni Troy at ramdam na very excited siya sa racing na kanyang sinalihan.
May pa-countdown pa nga siya, ngunit sa kasamaang palad ay naaksidente siya sa mismong araw ng kompetisyon.
Sa hiwalay na IG post, sinabi ng aktor na tatlong oras lamang ay nagawa na ang nabangga niyang kotse kaya nakahabol pa siya sa race.
“The team worked tirelessly to get me ready for the first race, swapping parts from my wrecked car onto my old Promotional Class car. It hasn’t run in a few years, and it’s a bit heavy, but the crew gave me the chance to race—and that’s what counts,” kwento niya.
Pero sa kalagitnaan ng video post ay bigla namang nawalan ng power ang kanyang kotse kaya hindi rin niya natapos ang race.
“But it was an incredible effort by everyone just to get me to the starting line,” sambit niya.
Ipapagawa niya raw ulit ito at hoping siya na magkakaroon pa siya ng pagkakataon na makapag-race.
Sa comment section, maraming netizens ang nag-alala kay Troy. Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Bro, glad you’re safe and what a racing season!”
“Thank God you are fine. But you should also see a doctor. Do you still have to join the race after what had just happened? [laughing emoji]”
“My worst fear….glad you’re ok buddy [sad face emojis]”
“Still better to be checked up by your doctor.”
“Sending you all the strength and well-wishes as you recover, and hoping you’re able to rest and heal fully.”