Darla sa comeback show ni Kris: Excited to see her back in action!

Darla sa comeback show ni Kris: Excited to see her back in action!

PHOTO: Instagram/@darla

MUKHANG tuloy na tuloy na ang inaabangang comeback show ni Kris Aquino!

Ibinandera kasi ng kanyang close friend at TV writer na si Darla Sauler ang kanyang excitement sa pagbabalik telebisyon ng one and only Queen of All Media.

Sa Instagram, makikita ang ilang litrato ni Darla ng kanyang pagbisita sa batikang TV host.

Nakaupo pa nga sila sa isang hapag-kainan na may iba’t-ibang pagkain at nakaakbay pa sa kanya ang anak ni Kris na si Bimby.

“Extra special dinner [because] Krisy is eating with us! Yehey!” bungad ni Darla sa post.

Baka Bet Mo: Darla bugbog sa mga taong galit na galit kay Toni: Kadiri naman yan!

Caption pa niya, “[I’m] excited to see her back in action.”

Napakomento si Kris sa nasabing post at ibinunyag ang nakakalokang biglaang pag-flare niya sa harap ni Darla.

“Hindi ka nag kwento nung nanginig ka nung suddenly nag flare na ako and right in front of you, kitang kita mo how swollen my knees became and all the bruises that suddenly said hello is my legs all the way to my swollen ankles and feet. The producer in me was saying: Darl, kunan mo na, pang inserts din,” kwento niya.

Reply naman sa kanya ng writer, “Please rest. Naloka ako ‘di ko lang kaya ipakita kasi dapat strong and go go go lang lagi. Ah basta. Kaya to Krisy. Laban!”

Kamakailan lang, ni-reveal ni Kris sa isang social media post na magkakaroon na ulit siya ng sariling show.

“I want to thank my former ABS-CBN bosses for allowing Jasmin and Darla to work with me on a show [that] will launch before 2024 ends,” sey ng Queen of All Media.

Dagdag niya, “Secret muna ‘yung concept, but you will get to see the reality of Kris, Bimb, and my ‘through the years’ best friends and definitely my team of doctors who are now among my most trusted friends.”

Maaalala noong Setyembre nang bumalik sa Pilipinas ang TV host makalipas ang dalawang taong pagpapagaling sa United States.

Read more...