#SerbisyoBandera: PET Bottle collection bidang-bida sa MassKara Festival

#SerbisyoBandera: PET Bottle Recycling bidang-bida sa MassKara Festival

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

PAREHONG masaya at makabuluhan ang pagdiriwang ng 45th MassKara Festival sa Bacolod City, Negros Occidental na naganap noong October 11 hanggang 27.

Bukod kasi sa iba’t-ibang gimik at pasabog upang ipagdiwang ang taunang okasyon, isa sa highlight nito ay ang pagsulong ng tamang segregasyon at koleksyon ng PET plastic bottles!

Sa pamamagitan ng “Tapon to Ipon” at “Tindahan Extra Mile,” inanyayahan ang mga residente at festival-goers na maghulog ng kanilang mga PET bottles sa mga nakakalat na bottle counter at bins sa lungsod.

Ito ay sa pangunguna ng Coca-Cola Philippines, kasama ang Bacolod City Environment and Natural Resources Office (BENRO), Basic Environmental Systems and Technologies, Inc. at ang festival organizer na Yuhum Foundation.

Siyempre, upang maging enjoyable at fun ang pagkolekta ng mga nasabing basyo, nagkaroon ng mga laro at aktibidad ang sikat na beverage company upang turuan ang mga dumalo ng responsableng pamamahala ng basura.

Isa na riyan ang shooting hoops game na “Dunk, Not Junk” na kung saan mababandera ang shooting skills ng mga sasali gamit ang empty plastic bottles, plus may tiyansa pang manalo ng merchandise at prizes mula sa brand.

Baka Bet Mo: Zack, Janine naki-join sa MassKara Festival; BINI ni-release ang ‘Blooming

PHOTO: Courtesy of Coca-Cola Philippines

Nagamit din ang bottle caps upang makaboto sa “Best Recycled Mask” na sinalihan ng ilang eskwelahan.

Ang grand winner diyan ay ang Artisticrew, habang ang Bacolod City College at Negrese Artist Circle ay nakatanggap ng consolation prizes dahil sa kanilang paglahok.

PHOTO: Courtesy of Coca-Cola Philippines

Siyempre, bilang present ang BANDERA at nasaksihan namin ang environmental project na ito, nakachikahan namin ang ilang boss ng nasabing kumpanya, pati na rin ang Bacolod LGU kaugnay sa inisyatibo.

Ano ang ‘Tapon to Ipon’?

Ayon kay Arman Gayanes, ang Head of Employee Communications & Engagement, Senior Manager –  Employer Brand ng Coca-Cola Philippines, inilunsad ang “Tapon to Ipon” upang hikayatin ang pagre-recycle ng PET bottles at ipakita ang walang katapusang posibilidad ng pag-recycle.

“If you notice, our tagline is, ‘Basta Klaro, Panalo’ because we believe that all clear plastic bottles can be recycled a lot of times…The main goal of ‘Tapon to Ipon’ program is to really reach out to the local government units and make sure that we partner with them, with the communities and we teach them how to recycle,” sey niya.

Dagdag niya na ang kampanya ay nakatuon sa pakikipag-ugnayan sa mga LGUs at iba’t ibang komunidad upang maipakita kung paano isinasagawa ang recycling.

PHOTO: Courtesy of Coca-Cola Philippines

Sinabi rin ni Arman na bukod sa lokal na pamahalaan ay nakipagtulungan din sila sa barangay level upang makuha ang suporta ng komunidad.

“So we have partnerships with the barangays tapos pumupunta kami doon and then collect the PET bottles…if they bring their PET bottles, they will get drinks in exchange,” paliwanag ng senior manager.

Ang mga nakolektang bote, aniya, ay dinadala sa PETValue, isang recycling facility sa General Trias sa Cavite kung saan ang mga bote ay ginagawang resin na muling pino-proseso bilang panibagong bote.

Baka Bet Mo: Allan K nagka-girlfriend noon sa Bacolod: What if kung totoo ngang may anak ako, ‘di ba?

Ano ang ‘Tindahan Extra Mile’?

Bilang may proyekto rin sila na kung tawagin ay “Tindahan Extra Mile,” naitanong namin kung ano ba ang kaibahan nito sa naunang programa.

Ayon kay Joy Munsayac-Cacal, ang Senior Manager – Public Affairs, Communications, & Sustainability ng Coca-Cola Philippines, ito ay pangongolekta ng mga basyo ng bote sa mga sari-sari store at karinderya, kasama ang mahigit 400 concessionaires sa Bacolod. 

“Sa ‘Tindahan Extra Mile’, naka-design talaga siya sa mga tindahan…everyday sinu-support tayo ng waste sweepers ng LGU para kolektahin ‘yun araw-araw,” esplika niya.

Nationwide Expansion ng ‘Tapon to Ipon’ Program

Nabanggit naman ni Ruby Biro, ang Senior Manager – Franchise Operations ng Coca-Cola Philippines, na hindi lamang sa Bacolod isinusulong ang programa, kundi sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

“Actually nationally, we do have in festivals, we participate in festivities. And with that, we also have the ‘Tapon to Ipon’ collection where we are celebrating festivals as well…probably in January, you’ll gonna see us in Sinulog, and also in Dinagyang in Iloilo, we also have in Davao for the Kadayawan,” saad niya.

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

Nang makausap naman namin si Ma. Fe Trespuentes, ang head ng Bacolod City Environment and Natural Resources Office, sinabi niya na last year pa nila inumpisahan ang partnership sa sikat na beverage company.

“Parang special project lang namin ito during the MassKara Festival because alam naman natin na kapag may festival ang dami talagang basura,” sambit niya.

Patuloy pa LGU officer, “Si mayor (Albee Benitez) is believer siya na we can only do so much in our waste collection if our residents, our people, nakikita nila ‘yung value ng waste. Because mayor believes that waste is a source.”

Naging matagumpay ang makahulugang programa sa Bacolod City, kaya naman lubos ang pasasalamat ni Ruby sa kanilang partners, local barangays na nakisali sa waste management initiative na inarangkada sa bonggang piyesta.

PHOTO: Courtesy of Coca-Cola Philippines

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa komunidad at ang papel ng mga nakibahagi sa pagdiriwang habang gumagawa ng positibong epekto sa kapaligiran.

Read more...