Mayor Niña Jose binalikan ang mic issue: ‘May nagplano kasi na i-sabotage ako’

Mayor Niña Jose binalikan ang mic issue: ‘May nagplano kasi na i-sabotage ako'

PHOTO: Facebook/Mayor Niña Jose-Quiambao

NAAALALA niyo pa ba ang viral mic video ni Bayambang, Pangasinan Mayor Niña Jose-Quiambao na nabahuan nang sobra sa ginamit niyang mikropono?

Muli itong binalikan ng mayora nang makapanayam ng showbiz insider na si Ogie Diaz sa isang YouTube episode.

Paliwanag niya, “Ganun lang talaga ako sa mga staff ko, sa mga tao ko sa LGU –ma-joke ako.”

“Meron kasing nag-edit ‘nun, hindi ko nalang papangalanan. Meron kasing nagplano ng masama towards me, i-sabotage ako, paninirang puri,” pagbubunyag ng dating Pinoy Big Brother housemate.

Inamin ni Mayor Niña na maarte talaga siya, pero hindi ibig sabihin niyan ay masama ang kanyang ugali.

Baka Bet Mo: Niña Jose siniraan ang pagkatao; handang mag-sorry sa ‘mikropono’

“Maarte ako pero hindi ako mapagmatang tao. I’m just being real. Pero it doesn’t mean to say na maarte po ako e hindi ako mabait na tao and hindi ako tumutulong sa kapwa ko. Innate na po ‘yun sakin,” pagbabahagi niya.

Nabanggit din niya na nag-sorry na sa kanya ‘yung taong nag-edit ng kanyang video upang palabasin na siya’y maarte.

“I forgive her. I forgive everyone who’s hurt me. I also asked for forgiveness for everyone that I’ve hurt,” sambit niya.

Sey pa niya, “I believe that’s the way of life –forgiving each other. It’s the only way to move forward in life with a light heart.”

Kahit tapos na ang naging isyu sa mic, humingi pa rin ng tawad si Mayor Niña sa lahat ng kanyang nasaktan dahil sa mga nabitawan niyang salita sa viral video.

“I just want to apologize po if may mga na-offend akong mga tao with what I’m saying or with what I am,” lahad niya.

Dagdag niya, “I don’t mean any harm, I don’t mean any intention na mang-apak ng tao…Isa sa mga natutunan ko sa mom ko, number one rule is bawal mang-apak ng tao.”

Nang tanungin naman ni Ogie ang alkalde kung paano niya na-handle ang matitinding salita na ibinabato sa kanya ng bashers that time.

“Just be humble and I pray for them. Tinitingnan ko sarili ko kung may nagawa ba akong mali talaga. Humihingi ako ng tawad, humihingi ako ng tawad sa Diyos,” sagot niya.

Dagdag pa ng mayor, “Akala siguro ng tao, hindi masakit pero sobrang masakit pa rin na wala ka naman talagang mini-mean na masama. Grabe kang laitin, kutyain ka, from head to toe –buong pagkatao mo.”

Dahil daw diyan, nakaramdam siya umano ng depression at nais nang sumuko sa buhay.

“Honestly, I wanted to die na. I wanted to give up. Sinasabi ko kay Cezar ‘yun pero sinabi niya sakin na ‘you’ll be okay, you’re strong. Marami ka pang pinagdaanan kesa dito. ‘Yung mga umaaway sa’yo hindi naman nila alam ‘yung tunay na ikaw’,” saad niya.

Noong Marso nang kumalat ang video ng alkalde na nasa entablado at magsisimula na sana sa kanyang speech nang bigla niyang pinapalitan ang hawak na mic.

Sey niya sa stage, “Can I change the mic? There’s bad breath here.”

“Sorry mabaho talaga ‘yung mic. Sorry. I can’t. Mabaho. It’s amoy maasim,” patuloy niya habang natatawa at inaantay ang bagong mikropono.

Nang mapalitan na ito, ipinaliwanag ni Mayor Niña, “I don’t wanna have halitosis, you know.”

Para sa kaalaman ng marami, ang “halitosis” ay isang oral health problem na kung saan ang main symptom ay ang mabahong hininga.

Read more...