BONGGA pala ang pagbabakasyon ng nanay ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo sa Singapore kasama ang ilan niyang mga kaibigan.
May sponsor pala ang paglalamiyerda ni Angelica sa naturang bansa sa loob ng isang linggo kaya naman talagang pinasalamatan niya ito nang bonggang-bongga.
Ayaw naman daw nitong magpabanggit ng kanyang pangalan pero sey ni Angelica may pabaon pa raw itong cash sa kanya para panggastos habang nasa SG.
Baka Bet Mo: Michelle Gumabao nawindang sa pulubi sa SG, may pa-bar code?
Super flex din ang nanay ni Caloy sa kanyang Facebook account ng kanyang pasasalamat na sa anak na si Elaiza dahil ito raw ang nanlibre sa kanya ng plane ticket.
Makikita sa post ni Angelica ang ilang litrato na kuha sa tinuluyan nilang hotel sa Singapore at ang mga magagandang lugar na pinuntahan at binisita nila roon.
“Bye SG see you Manila in a bit. Thank you to the kindhearted woman who sponsored our stay in one of a luxurious hotel in SG for 1 week, with matching pocket money.
“Thank you so much God bless you more (she doesnt want to mention her name).
“Thank you also to my eldest daughter, my travel buddy and food buddy for sponsoring my air fare ticket, love you always!” ang buong caption ni Angelica sa kanyang FB post.
Bumuhos naman ang comments sa FB status ni Angelica at halos lahat ay happy para sa kanya at nagsabing deserving niya ang sumaya at makapag-chill-chill muna.
“More blessings to the sponsor and keep safe always Mommy.”
“Nice tumataba na si nanay Angge nkarekober na. Dumamadagsa ang blessings… they can’t put a good woman down.”
“Deserve mo talaga yan mommy angge, ang ganda muna po lalo dahil nakita mo na wala sa dugo ang pag mamahal, nakita mo rin sa ibang tao.”
“Wow sana all free ang vacay…iba na talaga ang mabait mas maraming grasya ang dumarating, God Bless you more po.”
“Enjoy your holiday Mommy Angelica,
Ang sarap ng post na ito, Puro positive lang yung nababasa natin! Deserve na deserve mo yan!”
“Yung nanay kna pero fashionista ka,love it!! Bagay na bagay po kau mgdala ng damit.”
“Sexy ni mommy Angelica Poquiz Yulo dami naman inggit mga bashers God bless sa family niyo po mommy.”
“Thank you for holding your head high despite the many backlash from everywhere. A true role model mother. Salamat po at hindi kayo lumuhod sa harapan ng dalawang sutil na tao. Keep smiling and keep doing good for yourself, for your family and God bless you more.”