HINDI na nahihiyang magtanong si Kathryn Bernardo kay Alden Richards tungkol sa kahit anong bagay ngayong mas naging close pa sila sa isa’t isa.
Matapos mag-shooting ng ilang linggo sa Canada para sa reunion movie nilang pelikulang “Hello, Love, Again” under Star Cinema and GMA Pictures, inamin nina Alden at Kathryn na marami silang natutunan sa isa’t isa.
Mas nakilala at mas lumalim pa raw ang special friendship ng KathDen sa isa’t isa mula nang gawin nila ang “Hello, Love, Goodbye” noong 2019.
Baka Bet Mo: KC nangungulila sa pagmamahal ng ina, hiling na bumalik ang pagiging super close nila ni Mega; Cristy Fermin na-touch
“He’s just amazing. Hindi ko lahat kaya, hindi ko kaya kung paano ‘yung ginagawa niya. Minsan kapag napapagod ako, tapos titingnan ko siya, iisipin ko, ‘Ito nga hindi nagrereklamo,'” chika ni Kathryn sa panayan ng “24 Oras.”
Dugtong pa ng Kapamilya superstar, “Ang dami (kong natutunan sa kanya), kapag kailangan mo ng advice, you just talk to him.
“Hindi ako nahihiyang magtanong sa kanya, like hindi ko kailangan i-filter ‘yung mga questions ko because I know na hindi siya ma-o-offend also,” aniya pa.
Para naman kay Alden, maraming nagbago sa mga pananaw niya sa buhay mula nang maging close sila ni Kathryn.
“One thing that she made me realized is don’t life too seriously. Siya ‘yung nagpa-realize sa akin na it’s okay to (say) ‘no’ at times, valuing your time for yourself, time for your loved ones,” sey ni Alden.
Dagdag pa niya, “Take everything one day at a time, hindi ka superhero. One battle at a time.”
Showing na ang “Hello, Love, Again” sa November 13, mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Sampana.