Rannie at Lance Raymundo matapang na ilalaban ang 'WPS'

Mag-utol na Rannie at Lance Raymundo matapang na ilalaban ang ‘WPS’

Ervin Santiago - November 07, 2024 - 02:00 AM

Mag-utol na Rannie at Lance Raymundo matapang na ilalaban ang 'WPS'

Daiana  Menezes, Lance Raymundo, Rannie Raymundo, Dr. Mike Aragon at ang iba pang cast ng ‘WPS’

ANG bongga ng naganap na special screening ng advocacy series na “WPS” o “West Philippine Sea” na pinagbibidahan ni AJ Raval at ng magkapatid na Rannie at Lance Raymundo.

Ginanap ito sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel na dinaluhan ng cast members at ng buong produksyon, kabilang na ang producer nitong si Doc Mike Aragon ng Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI).

Dinaluhan din ito ng mga opisyal at sundalo ng Philippine Navy at ng mga supporters ng KSMBPI kaya naman punumpuno ang napakalaking Maynila Ballroom.

Bukod sa isang sosyal na venue ginanap ang event ay nagkaroon din ng pa-concert ang KSMBPI kung saan humataw on stage ang mga artistang kasali sa “WPS” sa pangunguna nga ng mag-utol na Rannie at Lance.

Baka Bet Mo: Vivamax star Ayanna Misola ayaw nang maghubad; AJ, Aljur bida sa ‘WPS’

Nag-perform din sina Daiana  Menezes, Ali Forbes at ibang members ng cast. Present din sa event ang Vivamax stars na si Ayanna Misola at Massimo Scofield. Sayang nga lang at wala ang ilang lead stars ng serye tulad nina AJ Raval, Aljur Abrenica at Jeric Raval dahil may prior commitment daw ang mga ito.

Ipinalabas sa special screening ang first two episodes ng “WPS” kung saan ipinakita ang ilang footages ng mga kaganapan sa kontrobersyal na West Philippine Sea.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Kuwento nina Rannie at Lance, siguradong maraming matututunan ang manonood sa kanilang advocacy serye lalo na yung mga hindi pa aware sa mga tunay na nangyayari sa mga sundalong Pinoy na nakikipaglaban para sa bayan.

“This is not just a series, ito yung project na ginawa namin para bigyang-pugay ang ating mga sundalo. They are the real heroes here. Makikita ng mga kababayan natin kung paano nila ibinubuwis ang kanilang buhay para sa ating lahat,” pahayag ni Lance.

Sabi naman ni Rannie, “Marami na akong tinanggihang acting projects. Pero ito, hindi ko matanggihan dahil sa ilang bagay.”

“Advocacy project ito ng kaibigan nating si Dr. Mike. Mahirap tanggihan kasi nga, para ito sa ating bansa. Nagbibigay ito ng awareness sa mga manonood, ng mas malalim na pang-unawa sa mga karapatan at responsibilidad nating mga Pilipino.

“Layuning ipaliwanag ng programang ito ang mga dahilan kung bakit kailangan nating ipaglaban ang bahaging ito, at bakit hindi tayo dapat pumayag na baligtarin ng mga may interes dito ang katotohanan,” aniya.

Hindi naman ito hard sell na advocacy, sey ni Rannie, kundi idadaan ito sa pagsasadula ng maraming kuwentong nakapaligid dito, ng mga tunay na struggle ng mga tao, ng mga Pilipino, mangingisda man o karaniwang tao.

Ang isa pang rason kung bakit hindi niya ito matanggihan ay dahil sa utol niyang si Lance, “Hindi ko lang siya kapatid. He’s my best buddy. My gym buddy. Mula pagkabata, kami na ang magkasama.

“At nakikita ko rin ang passion niya bilang singer at actor. Kaya sabi ko, kung gagawa ako ng isang acting project, dapat kasama ko ang kapatid ko,” sabi pa ng aktor at OPM artist.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood na ngayon ang “WPS” sa streaming platform na Viva One, at sa DZRH Television at DZRH Radio. Ito’y mula sa direksyon ni Karlo Montero.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending