BINOLDYAK na naman ng motivational speaker na si Rendon Labador ang content creator na si Diwata dahil sa bago raw nitong paandar sa social media.
Isa si Rendon sa mga sikat na social media personality na kumokontra sa pagtakbo ni Diwata o Deo Balbuena sa tunay na buhay, sa darating na 2025 midterm elections.
Tatakbong 4th nominee ng Vendors Partylist ang viral paresan owner sa susunod na eleksyon pero marami nga ang nangnenega at hindi sang-ayon sa kanyang pagtakbo.
Sa bagong Facebook post ni Rendon, binanatan uli niya si Diwata matapos bumandera sa isang FB page ang pagkain nito ng tuyo.
Ang nakalagay sa caption ng mga bagong photos ng social media personality, “DIWATA, HINDI MAARTE DAHIL KUMAKAIN NG TUYO.”
Baka Bet Mo: Angel inokray-okray ng netizen dahil sa pagpunta sa Bora, tinira pati ang pagiging Darna
Ni-repost ito ni Rendon sa kanyang FB page at binengga nga nang bonggang-bongga si Diwata.
Hirit ng online personality, “Diwata, akala mo ba mananalo ka sa pag kagat-kagat lang ng tuyo? Saan kaya napulot ni Diwata campaign manager niya.”
Dagdag pang pambabasag ni Rendon, “Dapat mas matalino sayo kunin mong campaign manager.”
Sandamakmak naman ang nag-react sa naturang FB status ni Rendon. Narito ang ilan.
“Rendon Labador ikaw nalang daw campaign manager ni diwata boss sure win pa!”
“Inangat lang ng konti sa kahirapan Ngayon gusto ng makipag level sa mga mayayaman.”
“Only in the Philippines,mag apply ng trabaho kailangan dapat college graduate.tatakbo sa politica kahit undergrad okey lang.”
“Para makuha lang loob ng tao kung ano ano na kinakagat boss Rendon.”
“Toyo nman ang iulam po bukas . Then sa Isang araw nman ay bagoong. Sa susunod wala namang ulam. Ganyan talaga ang gagawin para magmukhang utuuto.”