Heart dinisiplina ng tatay kahit rich; nakaramdam ng ‘Impostor Syndrome’

Heart dinisiplina ng tatay kahit rich; nakaramdam ng 'Impostor Syndrome'

Heart Evangelista

KAHIT ipinanganak at lumaking mayaman, naranasan din ni Heart Evangelista ang madisiplina ng kanyang among si Rey Ongpauco.

Kuwento ng Kapuso actress at international fashion icon, siniguro ng kanyang tatay na maturuan din siya ng tamang asal at marespetong pakikitungo sa ibang tao.

Sa nakaraang episode ng programang “Heart World” sa GMA 7 last Saturday, naibahagi ni Heart ang naging buhay niya noong kanyang kabataan at kung paano siya pinalaki ng kanyang ama at ng inang si Cecilia Ongpauco.

Baka Bet Mo: Tatay ni Heart labs na labs na si Chiz: Sayang, naging bati na sana kami noon pa…

Aminado naman ang aktres na totoong lumaki siya sa pamilyang may kaya pero naturuan pa rin siya ng mga magulang na maging responsable at paghirapan ang mga bagay na gusto niyang makuha.

“Don’t get me wrong, ina-acknowledge ko talaga ‘yung idea na pinanganak akong privileged. Pero siyempre dinidisiplina din kami,” simulang pagbabahagi ni Heart.

“Spoiled kami in a sense na lahat binibigay sa amin pero talagang sobrang thankful ako na ‘yung tatay ko magaling din siyang mag-disiplina,” dagdag pa niya.

Sabi pa ni Heart, nagpapasalamat siya sa kanyang mga parents lalo na sa tatay niya na nagturo na dapat lagi siyang maging grateful sa lahat ng natatanggap niyang blessings at sa tunay na kahalagahan ng hard work.


“Kailangan maging thankful ka kung anong mayroon ka. Kailangan hardworking ka.

“Iyon ang dala-dala ko, na kung may gusto ka, kailangang pagtrabahuan mo ‘yon.

“Kailangan ‘yung talagang alam mo na deserve mo bago mo siya makuha,” saad pa ng Kapuso star.

Inamin din ng wifey ni Sen. Chiz Escudero na nagkaroon din daw siya noon ng “Impostor Syndrome” kung saan naramdaman niya na parang hindi niya deserved ang lahat ng mga achievements niya.

“But as time goes by, I give myself a tap at the back na sinasabi ko sa ‘yo na you deserve it because hindi mo lang ito pinaghirapan, halos makipaglaban ka para dito,” pahayag pa ni Heart.

Read more...