Coco tutuparin wish ni Gina Pareño, ipapasok sa Batang Quiapo, pero…

Coco tutuparin wish ni Gina Pareño, ipapasok sa Batang Quiapo, pero...

TUTUPARIN ni Coco Martin ang wish ng award-winning veteran actress na si Gina Pareño, na makapagtrabaho uli at makabalik sa showbiz.

Marami ang nagparating sa tinaguriang Teleserye King na sana’y tulungan niya si Gina na magkaroon uli ng acting project tulad ng hiniling nito sa isang interview.

In fairness, ilang beses nang nagkasama sa pelikula at telebisyon sina Coco at Gina kaya naman ang Kapamilya superstar ang naisip ng mga supporters na lapitan para tuparin ang wish ng beteranang aktres at bigyan ng role sa “Batang Quiapo.”

“Actually, nakaano na nga ‘yan, eh. Hindi kasi pwede sasalang mo agad. Sabi ko, hindi kasi ako nagbibigay ng trabaho for the sake na mabigyan mo ng trabaho.

Baka Bet Mo: Coco Martin kinalampag para tuparin ang b-day wish ni Gina Pareño

 

“Gusto ko, binigyan ko ng trabaho kasi may dahilan, may rason at may importansya ‘yung role niya. Inaaral ko ‘yun kasi ayaw ko mararamdaman nila na ay kahit hindi naman ako ‘to, hindi ako binigyan ng  value,” pahayag ni Coco sa ulat ng ABS-CBN.

“Tsaka lola ko ‘yan. Sobrang mahal na mahal ko yan. At si Tita Gina, isa sa mga nag-alaga at nagturo sa akin nu’ng nagsisimula ako sa TV.

“Talagang kung ano ako ngayon, isa sa mga disiplina ko, ‘yung pagtutok ko sa trabaho, ‘yung characterization, galing sa kanya,” pagbabahagi pa ng lead star ng “Batang Quiapo.”

Pagpapatuloy pa niya, “Dati, imbis makipagkwentuhan ako sa labas sa mga co-actors ko, tatawagin ako niyan sa tent tapos sabi sa akin, ‘Halika dito, magbasa ka ng script.’

“Ganu’n kahigpit yan! Kaya nga lola. Gets ko ‘yan eh, ‘yung importansya, ‘yung pagmamahal, sobra-sobra ‘yung ipinaramdam niya sa akin,” dagdag pa ng Kapamilya actor-director at producer.

Tungkol naman sa mga senior actors ng “Batang Quiapo” na nabibigyan ng magandang role sa serye, “Kung mapapansin n’yo lahat ng artista na ine-exit ko sa show ko talagang binibigyan ko sila ng highlights.

“Sila tumutulong sa akin, sila nagpapalaki ng show. Napakalaki ng importansiya nila, give and take. Hindi lang ako tumutulong sa kanila, tinutulungan nila yung network.

“Alam ko darating ‘yung panahon tatanda din ako at sana nangangarap ako na ‘yung respeto na nasa puso ko, nasa isip ko, sana ganu’n din ‘yung mga kabataan na bigyan natin ng respeto ‘yung mga veteran actors natin kasi sila ‘yung dahilan kung bakit tayo nandito and kung ano man industriya natin,” pahayag pa ni Coco sa naturang panayam.

Read more...