NAKA-MOVE on na nang bonggang-bongga ang Kapuso actor-TV host na si Mavy Legaspi sa controversial breakup nila ni Kyline Alcantara.
Past is past na para sa binata lalo pa’t may kanya-kanya na rin silang buhay ngayon ng dati niyang girlfriend.
Balitang single na single pa rim ngayon ang anak nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi habang super happy na si Kyline sa kanyang rumored partner na si Kobe Paras.
Natanong si Mavy sa panayam ng “24 Oras” kagabi tungkol sa kanila ni Kyline pagkatapos aminin ni Kobe na nasa “dating” stage na sila ng Kapuso actress.
Baka Bet Mo: Kyline nag-react sa viral ‘kandungan’ nila ni Kobe, nag-move on na kay Mavy?
“The person’s happy. I’m happy. Let’s end the year on a good note na peaceful. What’s done is done also and lahat naman masaya,” ang positibong pahayag ni Mavy
Nang mausisa kung nagkita na ba sila uli ni Kyline, ang sagot ni Mavy, “I’ve always been civil. At the end of the day, we’re all just looking for happiness in our life.”
Ine-enjoy lang daw ngayon ng twin brother ni Cassy Legaspi ang pagiging single at kinakarir din niya ang pagda-diet at pagwo-workout.
“Ang masasabi ko lang my heart’s happy. That’s it. I’m actually very focused on diet, and working out.
“Makikita n’yo in the very near future kung bakit kailangang magpapayat,” sey ni Mavy.
Sa pagkakaalam namin ay may pinaghahandaang bagong project si Mavy sa GMA 7 at posibleng isa ito sa ginagawang motivation ng aktor para magpaganda ng katawan at magpa-yummy.