Mark Reyes nag-resign sa ‘Encantadia Chronicles’, 2 direktor ang ipinalit

Mark Reyes nag-resign sa 'Encantadia Chronicles', 2 direktor ang ipinalit

Mark Reyes kasama ang dating cast ng ‘Encantadia’ at ang mga bibida sa ‘Sang’gre’

CONFIRMED! Nag-resign na nga si Mark Reyes bilang direktor ng bagong edisyon ng action-fantasy series na “Encantadia”, ang “Sang’gre” mula sa GMA 7.

Dalawa ang papalit sa kanya para ituloy ang inaabangang serye ng mga Kapuso viewers, yan ay sina Rico Gutierrez at Enzo Williams.

Unang naglabas ng official statement ang GMA management tungkol sa pagbabago ng direktor para sa nasabing proyekto na sinundan nga ng opisyal na pahayag ni Direk Mark.

Ayon sa statement ng Kapuso Network tungkol sa “Sang’gre”, “GMA Entertainment’s Sanggre will have new directors Rico Gutierrez and Enzo Williams.

Baka Bet Mo: Iza, Diana, Karylle binigyan ng ‘blessing’ ang 4 na bagong Sang’gre; cast members sumabak na sa matinding training

“Direk Mark Reyes will start on new major projects for 2025 and will bequeath direction of the next Encantadia installment. Sanggre is slated to air on GMA Prime in 2025.”


Wala namang binanggit na dahilan kung bakit kailangang palitan ang original director ng serye gayung alam naman ng lahat na talagang malapit at mahal na mahal ni Mark Reyes ang “Encantadia.”

Narito naman ang pahayag ni Direk Mark hinggil dito, “I am confirming that I have resigned from my duties as director of Sanggre.

“At this time, I will be focusing on my other work commitments set for 2025 which will need my utmost attention.

“Like all situations of this kind, it’s a complicated matter and I believe that it is best for everyone involved to honor the Encantadia legacy by moving forward with the production.

“I wish the cast, the staff, Direk Enzo and Direk Rico the best of luck with the remaining work for Sanggre. Avisala Eshma!”


Si Direk Mark ang naging direktor ng original “Encantadia” na umere noong 2005 sa GMA na pinagbidahan nina Sunshine Dizon, Iza Calzado, Karylle, Diana Zubiri at Dingdong Dantes.

Sa ginawang remake nito noong 2016, siya rin ang nagdirek kung saan bumida naman sina Glaiza de Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, Sanya Lopez at Ruru Madrid.

At dito nga sa “Encantadia Chronicles: Sang’gre” starring Bianca Umali, Angel Guardia, Faith Da Silva at Kelvin Miranda at siya rin ang nagsimulang magdirek na nagsimula ngang mag-taping last year.

Nakatakda ang pagpapalabas ng “Sang’gre sa 2025.

Read more...