OKAY na sa limang anak ang TV host-actress na si Iya Villania-Arellano.
Ito ang muling iginiit ni Iya nang makapanayam siya ng King of Talk na si Boy Abunda sa programang “Fast Talk” kamakailan lang.
Pero bago ‘yan, ibinunyag ng aktres na manganganak siya sa unang linggo ng Pebrero sa susunod na taon at as of now ay wala pa silang naiisip na pangalan para sa baby girl nila ng mister na si Drew Arellano.
Kasunod niyan ay naitanong na nga kay Iya kung plinano ba nila ng kanyang asawa ang pagkakaroon ng limang anak.
“This was not planned,” pag-amin ng celebrity mom.
Baka Bet Mo: Iya sa posibilidad nang pagsabak ni Drew sa politika: No! Never!
Pero paglilinaw niya, “It was always a welcome surprise. It’s always a welcome accident, because I always knew that there is a possibility.”
Nag-follow up si Tito Boy kung may plano ang couple na huminto na sa pagkakaroon ng baby.
Nag-yes naman agad si Iya at sinabing hihinto na sila ng mister sa limang anak.
Nang usisain naman siya ng King of Talk na, “Kung magkakaroon ng headline sa ‘24 Oras’ bukas tungkol kay Iya Villania, what would that be?”
“Iya Villania, pagod nang umire!” ang nakakatawang sagot ng mom of five habang tumatawa ng malakas.
Hirit pa niya, “Pagod nang umire…’Yun na siya! So, let’s end it with five, okay?”
Aniya pa, “Lord, please tapos na.”
At kung curious kayo kung ano ang sikreto ni Iya sa pagiging super mom –ito raw ay ang pagiging healthy and fit.
“I think, malaking bagay na I am healthy and fit because then I am able for my family and it allows me to be with my children and do things with my children and do things for my children and my family,” paliwanag niya.
Patuloy niya, “So I think really one major thing is to get fit and healthy so that you can use your body and do things with confidence and with strength.”
Dagdag pa niya, “Tsaka may mas pasensya ka, mas may endurance ka, mas masasamahan mo sila sa mga trip nila.”
Magugunitang nitong buwan lamang nang ibinandera ng mag-asawa ang “gender reveal” para sa bagong miyembro ng kanilang pamilya.
Ito ay sa pamamagitan ng cake pops na ipinakain sa kanilang apat na anak at diyan nakita na kulay pink ang nasa gitna nito.
“It’s a girl!” sey ng Kapuso star sa isang post.
Kung matatandaan, noong Setyembre lamang nang gulatin ni Iya ang publiko patungkol sa muli niyang pagbubuntis.
Nauna nang sinabi ng celebrity mom na ito na ang kanyang huling pagbubuntis niya at hindi na susundan pa.