Payo kay Karl Eldrew Yulo, wag na wag tularan ginawa ni Carlos sa magulang

Payo kay Karl Eldrew Yulo, wag na wag tularan ginawa ni Carlos sa magulang

“HUWAG ka sanang magbago Karl Eldrew Yulo, huwag tutulad sa kuya mo!” Iyan ang nagkakaisang payo ng netizens sa nakababatang kapatid ni Carlos Yulo.

Ito’y matapos ibandera ni Angelica Yulo ang pagkapanalo ng anak na si Eldrew ng mga gintong medalya sa 3rd JRC Artistic Gymnastic Stars Championships 2024 na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Nakasungkit ng tatlong gold medal ang kapatid ni Carlos sa naturang sports event kabilang na ang individual all-around event ng Junior’s Division para sa Men’s Artistic Gymnastics (MAG).

Proud na ipinost ni Angeliva sa Facebook ang tungkol sa pagiging champion gymnast ng anak kalakip ang kanyang mensahe.

“Competition done.

Baka Bet Mo: Carlos, Chloe pinagtripan sa pasabog na Holloween costume: Labubu yarn!

“Huge congratulations to this young man for adding another 3 gold medals and 1 silver to his collections.

“Congratulations and thank you too to his amazing coach, Reyland Yuson Capellan, thank you also to the japanese coach Munehiro Kugimiya, sir. Jun Basas Esturco mam Rowena Villasis Bautista for bringing the kids to japan for a training camp thru the efforts of KG MANAGEMENT, it helps a lot.

“And most specially thank you  to the Lord above for keeping my son and the entire team safe. We offer this to You,” mensahe pa ni Angelica gamit ang mga hashtag #ToGodBeTheGlory at #ProudMom.

Maraming nag-congratulate kay Karl Eldrew kasabay ng pagpapaalala sa kanya na manatiling humble at mapagmahal sa pamilya.

Huwag na huwag daw siyang tutulad sa kanyang Kuya Carlos na tinalikuran ang pamilya matapos magtagumpay sa 2024 Paris Olympics at mas piniling sumama sa dyowa nitong si Chloe San Jose.

Until now ay hindi pa rin nagkakaharap at nagkakaayos sina Carlos at mga magulang na sina Angelica at Mark Andrew Yulo.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments sa art card na ipinost ng GAP para sa pagkapanalo ni Karl Eldrew.

“The good son is a real gem to the family. Congrats ‘dong Eldrew! Mabuhay, Philippine delegates!”

“Wow mukhang si eldrew magbubuhos ng saya sayo madam, good luck sana hindi cya magbago gaya ng kuya niya. congratulations.”

“Basta Huwag magpapadala sa Jowa if ever meron MN, malayo pa mararating mo bro, malampasan mopa Ang narating Ng kuya mo. Paangat ka na pabagsak na Sila. Bow.”

“Wow! hwag ka magbago sa mga parents mo tuloy tuloy ang blessing mo.”

“Wag lng gagaya sa kuya hahaha!”

“Congratulations Eldrew Yulo wag ka sana magbabago gaya ng iyong kuya… stay humble and be kind to ur family god bless.”

“Congrats eldrew lagi mo tandaan mahalin mo mama at papa mo at stay humble God bless.”

Habang isinusulat namin ang artikulong ito ay wala pang reaksyon sina Karl Eldrew at Carlos maging ang kanilang inang si Angelica sa mga post ng netizens.

Read more...