Angelica Yulo dasurv magbakasyon sa SG; 3 gold medal ni Eldrew ibinandera
DASURVED! Yan ang nagkakaisang komento ng netizens sa pagbabakasyon ni Angelica Yulo sa Singapore kasama ang mga kaibigan.
Ipinost ng nanay ni 2-time Olympic gold medalist Carlos Yulo ang mga litrato nila sa Singapore suot ang kanyang Holloween OOTD. Ilan sa mga ito ay kuha sa tourist destination na Universal Studio Singapore.
“About last night,” ang mababasa sa caption ng Facebook post ni Angelica last Friday, November 1.
Komento ng kanyang FB followers, deserve na deserve ni Angelica ang magbakasyon at magpaka-happy lalo’t nagpaka-busy siya sa kanyang food at online business nitong mga nakaraang buwan.
Bukod pa rito, may karapatang magpakaligaya ngayon si Angelica matapos magwagi ng gintong medalya ang anak na si Karl Eldrew Yulo sa 3rd JRC Artistic Gymnastic Stars Championships 2024 sa Bangkok, Thailand.
Humataw si Karl Eldrew sa individual all-around event ng Junior’s Division para sa Men’s Artistic Gymnastics (MAG), sa unang araw pa lang ng kumpetisyon.
Last year, nakapag-uwi ng silver medal ang kapatid ni Carlos sa naturang sports event.
Pagbati sa kanya ng kanyang nanay, “You did it. Congratulations!”
“Goodluck sa finals,” ang caption ni Angelica sa ni-reshare niyang congratulatory post mula sa Gymnastics Association of the Philippines.
Kasunod nito, muling nag-post sa FB si Angelica tungkol sa laban ni Karl Endrew.
“Competition done.
“Huge congratulations to this young man for adding another 3 gold medals and 1 silver to his collections.
“Congratulations and thank you too to his amazing coach, Reyland Yuson Capellan, thank you also to the japanese coach Munehiro Kugimiya, sir. Jun Basas Esturco mam Rowena Villasis Bautista for bringing the kids to japan for a training camp thru the efforts of KG MANAGEMENT, it helps a lot.
“And most specially thank you to the Lord above for keeping my son and the entire team safe. We offer this to You,” mensahe pa ni Angelica gamit ang mga hashtag #ToGodBeTheGlory at
#ProudMom.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.