Marian pinatunayang hindi tsamba ang pagiging Box-Office Queen

Marian pinatunayang hindi tsamba ang pagiging Box-Office Queen

Marian Rivera

PINATUNAYAN ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera na hindi lang tsamba ang pagiging Box-Office Queen niya para sa pelikulang “Rewind”.

Gumawa ng kasaysayan ang “Rewind” last year na ipinalabas sa Metro Manila Film Festival 2023 na pinagbidahan nga ni Marian at ng asawa niyang si Dingdong Dantes.

Ito na kasi ang itinuturing na Highest Grossing Filipino Film of All Time na tumabo sa takilya at kumita ng mahigit P1 billion worldwide.

At ngayon nga ay patuloy na humahataw sa mga sinehan nationwide ang bagong pelikula ni Marian, ang advocacy movie na “Balota” mula sa GMA Pictures at GMA Entertainment Group.

Baka Bet Mo: Marian buwis-buhay mga eksena sa Balota; jackpot sa endorsements

Nasa ikatlong blockbuster week na ang pelikula na idinirek ni Kip Oebanda at balitang kabi-kabila pa rin ang sold-out screenings nito.

In fairness, talagang pumipila ang mga guro at estudyante sa mga sinehan para manood ng “Balota” na very timely ang pagpapalbas dahil malapit na ang 2025 mudterm elections.


Ipinakikita sa “Balota” ang hirap at sakripisyo na pinagdaraanan ng mga teacher tuwing eleksyon upang mapangalagaan ang boto ng mga Filipino.

Mensahe ni Marian sa lahat ng mga nakapanood na ng pelikula, “Lubos na pasasalamat sa lahat ng sumuporta at nanonood, at manonood pa ng Balota.”

“Siguro ‘yung sinasabi nila na ‘yung pelikula ay ang tapang para ihatid ‘yung mensahe na gusto naming ipahatid sa kanila.

“At ang maganda niyan, habang nanonood sila, may realization sila na, ‘ganito pala talaga.’ So parang dahil sa Balota na ito, parang pag-iisipan nila kung paano sila boboto nang tama at dapat,” sey pa ni Marian.

Ayon naman kay GMA Films President Atty. Annette Gozon-Valdes, “Nakikita natin na palakas nang palakas and I think it’s because napapag-usapan siya, nakukuwento na isa itong pelikulang dapat panuorin kasi may mensahe talaga itong hindi dapat palampasin ng mga tao.”

Komento naman ng Sparkle artist na si Will Ashley na kasali rin sa movie, “Personally, sobrang natutuwa po ako and sobrang nakakaproud na naging parte ako ng ‘Balota’ kasi sa pinagdaanan namin, sobrang naging worth it lahat ng pagod, kasi na-appreciate ng mga tao”.

Siyanga pala, meron pa ring special rate para sa mga students and teachers na manonood ng “Balota.”

Read more...