Jona kay Korina: Hindi ko alam kung paano patawarin ang Mama ko

Jona kay Korina: Hindi ko alam kung paano patawarin ang Mama ko

Korina Sanchez at Jona

HAPPY Halloween pa rin! Trick or Treat ba ang latest episode ng “Korina Interviews” this Sunday, November 3?

Siyempre treat kasama ang special guest ni Ate Koring, ang Philippines’ Fearless Diva na si Jona sa kanyang chikahan kasama ang multi-awarded broadcast journalist.

Bumaha ng luha at musika ang episode na ito ng “Korina Interviews”.

Ten years old pa lang daw si Jona nang abandonahin ng sariling ina at naging pusong bato raw ang Birit Queen dahil sa galit sa kanyang nanay.

Baka Bet Mo: Jona wala pa ring dyowa; busy sa pagliligtas, pag-aalaga ng mga aso’t pusa

Nagtataka raw siya kung bakit umalis at nilayasan sila ng kanyang ina pero sinabi naman daw into sa kanila na mahala na mahal sila nito.

“Namulat na lamang ako na aalis na sa bahay namin ang mama ko, iiwan na kami. Last words niya, mahal na mahal ko kayo. Pero habang lumalaki po ako, hawak-hawak ko po yung mga salitang ‘yun, pero…bakit siya umalis?” lumuluhang sey ni Jona.

Kaya naman mula noon ay siya na ang tumayong breadwinner sa kanyang mga kapatid, ito nga ba ang dahilan kung bakit hindi na siya nakapag-asawa?

Paano siya nakapagpatawad? Bago pumanaw ang kanyang tatay, nagkaayos ba sila?

Sa pait ng kanyang pinagdaanan, ang pagkanta ang naging outlet ni Jona para mawala ang sakit na kanyang nararamdaman.

Kakantahan ni Jona ang mga manonood ng kwentong inspirasyon, paghilom, at pagharap sa mga hamon ng buhay.

Ngayong Linggo na ito only on “Korina Interviews”, 6 p.m., sa Net 25!

Read more...