PAPAYAGAN kaya ng Kapuso celebrity couple na sina Drew Arellano at Iya Villania na pumasok din sa showbiz ang kanilang mga anak?
Iyan ang isa sa mga naitanong sa TV host-actress nang mag-guest siya sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Biyernes, November 1.
Hindi naman kasi malayong magkaroon din ng interes sa entertainment industry ang mga anak nina Iya at Drew na sina Primo, Leon, Alana, at Astro.
Tanong ni Tito Boy kay Iya, ano kaya ang isasagot nila ni Drew kapag lumapit ang sinuman sa kanilang mga anak at magsabing gusto rin nilang mag-showbiz.
Baka Bet Mo: Iya hinihintay na raw magpa-vasectomy si Drew, OK na sa kanila ang 4 na anak
Tugon ng segment host ng “24 Oras”, “I was asking Drew about this, sabi niya. we’ll cross the bridge daw when we get there. As of the moment, they’re just enjoying being with us whether it means it’s work or not.”
Napag-usapan din nina Tito Boy at Iya ang tungkol sa paggawa nila ni Drew ng mga TV at online commercials at advertisements para sa iba’t ibang brands and services kasama ang kanilang mga anak.
Sabi ng King of Talk, napapansin niya na nae-enjoy ni Primo ang kanilang mga shoot. Sey ni Iya, “He does, he does, he enjoys it. But iba Tito Boy ‘yung showbiz sa commercial shoots.”
Samantala, inusisa rin ni Tito Boy kung may plano ba si Drew na pasukin din ang mundo ng politika. Mabilis na sagot ni Iya, “No, never.”
“The moment he does, it would probably like, ‘Sino ka?’ And he would probably also be ‘Sino ako?’ But yeah, no, he would never,” mariin pang sagot ng TV host at aktres.