HINDI nagustuhan ng mga netizens ang isinuot na Halloween costume ng Kapuso actress na si Bea Alonzo.
Nitong Biyernes, November 1, ibinandera ng aktres ang kanyang Halloween costume bilang si Lyle Menendez.
“Call me Lyle,” saad ni Bea sa kanyang caption.
Para sa mga hindi aware, si Lyle ay kapatid ni Erik Menendez na kapwa pumatay sa kanilang mga magulang.
Baka Bet Mo: Bea Alonzo in-unfollow na rin si Kyline Alcantara, anyare?
Sa ngayon ay tila deleted na ito sa Instagram page ni Bea ngunit marami na sa mga netizens ang nakapag-screenshot ng kanyang post.
Hindi na rin naman kataka-taka na maraming nag-react sa kanyang post kaya binura na niya ito.
“What happened to Bea? Whose smart idea was it for her to be this character for Halloween? Does she even know the story of that person?” saad ng isang netizen.
“In poor taste yun magdress as a convicted killer in real life,” sabi pa ng isa.
“Hoy Bea nag iisip ka ba?!” hirit pa ng isa.
Base sa mga report, pinatay umano ng magkapatid na Lyle at Erik noong August 1989 ang mga magulang dahil na rin sa mga ginawa nitong pang-aabuso sa kanilang dalawa.
Dahil rito ay na-convict ang dalawa first-degree murder at hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong.
Ilang beses na ring na-feature ang dalawa sa mga documentaries at TV series gaya na lng sa season 2 ng anthology series na “Monster” sa Netflix.
Sa ngayon ay pinag-aaralan rin ang apela ng mga ito pati na rin ang naging hatol sa kaso.
Noong October 29 ay nagbigay babala na sina Lyle sa mga magbabalak na mag-impersonate sa kanila ngayong Halloween.
“Lyle and Erik are not characters. They are real people who have been suffering trauma since the day they were born.
“Halloween is supposed to be fun. There is nothing fun about being a rape and child abuse survivor,” sey nito.
Samantala, wala pa namang pahayag si Bea hinggil sa isyu.