Iya Villania, Drew Arellano ibinandera ang gender ng 5th baby

Iya Villania, Drew Arellano ibinandera ang gender ng 5th baby

Therese Arceo - November 02, 2024 - 07:37 PM

Iya Villania, Drew Arellano ibinandera ang gender ng 5th baby

PROUD na ibinandera ng mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano kung ano ang magiging gender ng kanilang paparating na ika-limang anak.

Sa Instagram post ng Kapuso nitong Sabado, November 2, makikita ang kanilang buong pamilya na magkakasama para i-reveal ang gender ng panibagong dagdag sa kanilang pamilya.

“We’re gonna find out gender. But the challenge is no one’s gonna react because the main reveal is to for the kids later,” saad ni Iya.

Chika pa ng mag-asawa, wala namang kaso sa kanila kung ano man ang kasarian ng kanilang magiging anak basta manatili itong malusog.

Baka Bet Mo: Iya Villania loyal pa rin sa GMA, walang iwanan: The honor is mine!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sa pamamagitan ng cake pops ay malalaman ng kanilang apat na anak ang gender ng kanilang susunod na magiging kapatid.

Matapos kainin ng anak nina Iya at Drew ang cake pops ay makikitang kulay pink ang nasa gitna nito.

“It’s a girl!” sey ng Kapuso star.

Setyembre 2024 nang gulatin ni Iya ang publiko patungkol sa kanyang muling pagbubuntis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram post bago ang kanyang pagbabalik sa “24 Oras”.

Matatandaang nag-viral pa nga ang nakakatawang reaksyon ng Kapuso news anchor na si Mel Tiangco matapos malaman ang masayang balita.

Ayon pa kay Iya, ito na raw ang kanyang huling pagbubuntis niya at hindi na susundan pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending