Rita sinisi pa ng bashers kung bakit napagtripan ni Archie Alemania
Trigger Warning: Mention of acts of lasciviousness
MAY mga netizens na sa halip makisimpatya sa ginawa umanong pambabastos ni Archie Alemania kay Rita Daniela ay sinisi pa ang aktres.
Base sa nabasa naming komento sa social media, parang nabiktima pa ngayon ng victim-blaming culture ang Kapuso singer-actress matapos kasuhan si Archie ng acts of lasciviousness.
Ayon sa ilang netizens, bakit daw kasi pumayag pa si Rita na sumakay sa sasakyan ng kapwa Kapuso actor at magpahatid sa bahay nila sa Bacoor City, Cavite.
Nagkita ang aktres at si Archie sa pa-thanksgiving party ni Bea Alonzo para sa cast and production staff ng teleserye nilang “Widows’ War” at dito nga raw nagsimula ang pambabastos ng aktor kay Rita.
Baka Bet Mo: Archie Alemania pumalag sa pa’bakat’ ni Joseph Marco
Sinabi ng aktres sa kanyang complaint affidavit na ihinain last October 30 sa Office of the City Prosecutor sa Bacoor City na sa party pa lang ay nag-dialogue na raw ang aktor ng, “Naku, Rita, huwag ka lumapit sa akin, napaka-f*ck*ble mo tonight ah!”
Mas matindi pa raw ang narinig niya kay Archie nang mag-duet sila ng isa pang Kapuso actor na si Royce Cabrera sa party. Sabi raw ni Archie, “Brad tirahin mo na yan! Tang-ina Royce, tirahin mo na yan!”
Pero sa kabila nga nito, nagdesisyon pa rin si Rita na magpahatid kay Archie sa bahay kaya naman may ilang netizens ang nagsabing kasalanan din daw ng aktres ang nangyari sa kanya.
Base sa pahayag ng legal counsel ni Rita na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, natanong din niya ang aktres at TV host kung bakit sumama pa siya kay Archie nu’ng madaling araw na yun.
View this post on Instagram
Sa affidavit ni Rita, ipinaliwanag niya kung bakit pumayag siyang sumakay sa sasakyan ni Archie para magpahatid nga sa kanyang bahay.
Sey ni Rita, “Thinking that he was already sober and that he went back to his being an elder brother who could safely take me home, I agreed to ride with him and cancelled my Grab ride.”
Narito naman ang official statement ng Sparkle talent management na siyang nangangalaga sa career ni Rita.
“We at Sparkle GMA Artist Center are committed to ensuring a safe and respectful environment for everyone.
“Regarding the recent incident involving Rita Daniela and Archie Alemania, we have listened to both sides of the story over the past weeks.
“We believe this matter should be addressed in the proper forum, and we encourage both parties to engage in dialogue to resolve this issue fairly.
“We remain dedicated to supporting our artists and ensuring their well-being. We trust that this process will lead to a constructive resolution.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.