Docu series ni Loren babandera sa Bilyonaryo News Channel

Docu series ni Loren Legarda babandera sa Bilyonaryo News Channel

Ervin Santiago - October 31, 2024 - 12:15 AM

Docu series ni Loren Legarda babandera sa Bilyonaryo News Channel

Loren Legarda

MAPAPANOOD na sa Bilyonaryo News Channel (BNC) ang award-winning documentary series “Dayaw” ni Sen. Loren Legarda.

Nagsimula last Saturday, October 26, iniimbitahan ng “Dayaw” ang mga manonood na sumama sa paglalakbay sa mga makukulay na tanawin ng Philippine cultural heritage.

Proyekto ito ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na naging posible dahil sa matatag na suporta ni Legarda mula nang ilunsad ito noong 2015.

Bida sa “Dayaw” ang mga katutubo ng bansa, kanilang mga kaugalian, ritwal, tradisyon at mahalagang papel sa paghubog ng Filipino cultural fabric.

Baka Bet Mo: Trabaho, kabuhayan sa mga barangay titiyakin ni Loren Legarda

Sa bawat episode, ginagabayan ni Senator Legarda ang mga manonood sa pamamagitan ng mga kaugalian at gawi na nagbubuklod sa mga katutubong pamayanan, na nagpapakita ng kanilang malalim na paggalang sa kalikasan, kanilang katatagan at mga survival method na patuloy na nagpapayaman sa kanilang buhay.

Mula sa tradisyonal na palakasan at wika hanggang sa masiglang sayaw, ritwal at pagluluto, binibigyang-diin sa “Dayaw” ang kahalagahan ng paggalang sa mga kasanayang ito upang matiyak ang isang pamana ng kultura para sa mga susunod na henerasyon.

Nagmula sa salitang nangangahulugang “ipresenta o isuot nang may pagmamalaki”, ang “Dayaw” ay angkop na kumakatawan sa misyon nito na itaguyod ang diwa ng Pilipino, na nagbibigay-diin sa kagandahan, dignidad at katatagan ng katutubong pamana.

Saksihan ang mga kuwento, hamon at katatagan ng mga katutubong komunidad at magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa ating pamana sa “Dayaw” sa Bilyonaryo News Channel, na available sa BEAM TV 31 (maa-access sa pamamagitan ng digital TV boxes sa Metro Manila, Cebu, Davao, Iloilo, Baguio, Zamboanga, at Naga), Converge Channel 74 at sa Cignal Channel 24.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending