2 suspek sa panghahalay kay Sandro Muhlach kinasuhan na ng rape ng DOJ

2 suspek sa panghahalay kay Sandro Muhlach kinasuhan na ng rape ng DOJ

Sandro Muhlach, Richard Cruz at Jojo Nones

PORMAL nang kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) ng rape ang dalawang independent contractors ng GMA 7 na umano’y nanghalay sa Sparkle actor na si Sandro Muhlach.

Pagkatapos ngang sumalang sa hearing ng Senate committee on public information and mass media hinggil sa mga kaso ng sexual abuse sa entertainment industry, tinuluyan na nga ng DOJ sina Richard Cruz at Jojo Nones.

“Based on the investigation conducted by our prosecutor, it appears that there is a definite positive identification by the victim of the two individuals who abused him, and he narrated thoroughly the details of what happened to him,” ang pahayag ni Acting Prosecutor General Richard Anthony Fadullon.

“Of course, the prosecutor considered the defense raised by the respondents. But in this case, their only defense was to deny what happened.

“We know that, in law, positive identification is the strongest form of evidence and denial by itself is the weakest,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin, 2 iba pa kinasuhan ng cyber libel ng ina ni Sarah Lahbati

Ayon naman sa legal counsel ng mga dating consultants ng GMA 7 na si Atty. Maggie Garduque, maglalabas sila ng official statement kapag natanggap na nila ang mga dokumento hinggil sa kaso.

“We will issue a statement as soon as we receive the copy and we have read the basis of the department in giving due course to the complaint,” saad ng abogado.


Matatandaang sa naganap ng series of Senate hearings itinuro ni Sandro sina Nones at Cruz na siyang nanghalay sa kanya sa loob ng kwarto ng mga akusadp sa isang hotel pagkatapos ng GMA Gala 2024 noong July 22.

“It just happened after the GMA Gala. Pagpunta ko po ng room nila, ayun nga po, nakita ko po si Sir Jojo saka si Dode Cruz. Si Dode Cruz po, lasing na lasing na.

“Ipinakilala po ako ni Sir Jojo. So, tumayo po si Dode sa… tumayo po si Dode sa bed, tapos pinakilala po ako ni Sir Jojo, ‘Si Sandro ito, anak ni Niño, magaling na artista ito. Magaling na kontrabida ito. Ika-cast ko ito soon.’

“Ganu’n po ang usapan, ganyan. Tapos, inabutan po nila ako ng wine. Pinainom po ako ni Sir Jojo ng wine. Then, nag-abot nga po siya ng P500-bill sa akin. Then may nilagay po siyang white substance dun po sa table ng hotel,” salaysay ng aktor.

“Tapos, ayun po, tinuruan niya ako kung paano…kung paano gamitin po yung substance. Nauna po silang humithit ni… nauna po silang suminghot ni Dode Cruz, sila pong dalawa. Then, ako po yung pinasunod nila.

“Then, after ilang minutes po, after ilang minutes po hinila nga po ako ni Sir Jojo sa kama. Then, si Dode Cruz po…si Dode Cruz po, tinanggal po yung polo ko. Bigla po niyang…” napapikit na si Sandro at parang hindi na kayang ituloy ang pagsasalita.

Makalipas ang ilang segundo, “Bigla po niyang…bigla po niyang sinuck yung nipples ko po. Parehas. Sobrang sakit po.

“Then si Sir Jojo po, binaba po yung pantalon ko. Tapos…Sir, sobrang laswa po, it’s gonna be…” tuluyan nang bumigay ang binata kaya sumingit na si Sen. Jinggoy.

“They took turns,” sabi ng senador.

“Yes po, Your Honor,” pagsang-ayon ng anak ni Niño.

Read more...