Rita Daniela kinasuhan ng acts of lasciviousness si Archie Alemania

Rita Daniela kinasuhan ng acts of lasciviousness si Archie Alemania

Archie Alemania at Rita Daniela

KINASUHAN ng acts of lasciviousness ng Kapuso actress-singer na si Rita Daniela ang aktor na si Archie Alemania sa Office of the City Prosecutor sa Bacoor City.

Naghain ng formal complaint si Rita laban sa aktor ngayong araw, October 30. Taga-Bacoor si Rita kaya doon siya nagsampa ng demanda.

Rebelasyon ng aktres, nangyari raw ang pambabastos sa kanya ng aktor noong September 9, matapos siyang um-attend sa pa-thanksgiving party ng co-star nila sa “Widows’ War” na si Bea sa Quezon City.

“That being a public figure, a contractual artist with reputation to protect, it is very difficult for me to file the instant case but the trauma I was and am experiencing brought about by the incident gave me courage to face the consequences and file the instant case against the respondent,” pahayag ni Rita sa kanyang complaint affidavit.

Baka Bet Mo: Archie ‘ibinenta’ ang asawa sa live selling: I-mine n’yo na! Napakamabunganga nito!

Ani Rita, hindi na raw sana siya pupunta sa naturang event dahil nasa ospital ang  kanyang nanay. Hindi lang daw siya makatanggi sa imbitasyon ni Bea.

Nakita ni Rita si Archie at halatang lasing na raw ito nang dumating siya sa party ni Bea at nag-dialogue pa raw ito ng, “Naku, Rita, huwag ka lumapit sa akin, napaka-f*ck*ble mo tonight ah!”


Mas matindi pa raw ang narinig niya kay Archie nang mag-duet sila ng isa pang Kapuso actor na si Royce Cabrera. Sabi raw ni Archie, “Brad tirahin mo na yan! Tang-ina Royce, tirahin mo na yan!”

Dinedma lang ito ni Rita dahil alam niyang lasing na ang aktor. Pero pinagsabihan na raw si Bea si Archie.

Nang pauwi na raw si Rita dakong 2:30 a.m. ng September 9, at nag-book ng Grab, ay sinamahan pa raw siya ni Redgynn Alba, ang senior program manager ng “Widows’ War”.

“Suddenly, a white SUV stopped in front of us and when the window rolled down I was surprised to see the Respondent (Archie Alemania) inside it, saying ‘Tara na, sumakay ka na, ihatid na kita.

“That I initially refused his offer since the Grab ride was already on its way but Respondent insisted by saying, ‘Ano ka ba sobrang late na. Ma-rape pa ng Grab driver. Icancel mo na yan!’

“Thinking that he was already sober and that he went back to his being an elder brother who could safely take me home. I agreed to ride with him and cancelled my Grab ride,” ang salaysay pa ni Rita.


Habang nasa loob na sila ng sasakyan at binabagtas ang Cavitex, bigla na lang siyang  hinawakan ni Archie sa leeg at balikat. At nang makarating na raw sila sa bahay nila, ay nag-request na ang aktor ng kiss.

“However, this did not deter the Respondent, instead he forcibly got hold of my head and locked it with his grip and gave me a torrid kiss on the lips with his tongue out trying to put it inside my mouth.

“Feeling sexually violated, I pushed the Respondent with all my might while shouting at him to stop. I struggled several times but he did not stop on brushing his lips on mine against my will,” pahayag pa ni Rita.

Binulungan pa umano siya ni Archie ng, “Pa-booking naman sige na.”

Nagawa pa siyang yakapin ng aktor at hawakan mula sa likod nang hilahin nito ang kanyang bag. Dito na raw siya napaiyak at patuloy na nagpumiglas hanggang makawala na siya sa aktor at makalabas ng sasakyan.

Kinabukasan ay nag-text daw sa kanya si Archie at humihingi ng sorry sa ginawa niya.

Nagsumbong naman si Rita sa GMA  management at hiniling na tanggalin na si Archie sa “Widows’ War”. Sabi ng aktres, matinding trauma raw ang inabot niya sa pambabastos ng aktor.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Archie hinggil sa isyung ito.

Read more...