SA gitna ng pambabasag sa kanya dahil sa “hinaing” tungkol sa pagbabalita ng mga bagyong pumapasok sa PAR o Philippine Area of Responsibility, nanindigan si Jason Paul Laxamana sa kanyang pinaniniwalaan.
Maraming nambasag sa direktor matapos siyang mag-post sa Facebook na hindi raw dapat ginagawang “news” ang mga typhoon na papasok sa PAR dahil nagdudulot lamang ito ng pagkalito at pagpa-panic ng mga tao.
“Hot take: a typhoon entering the Philippine Area of Responsibility shouldn’t be announced as news, it causes confusion/panic to regular people who assume that PAR = landfall.
“Pang-meteorologist lang dapat ang info na iyon,” ang bahagi ng FB status ni Direk JP.
Baka Bet Mo: Pokwang tinawag na ‘unggoy’, never pinagtanggol ni Lee O’Brian
Inilabas ng direktor ang kanyang saloobin hinggil dito matapos hagupitin ng bagyong Kristine ang iba’t ibang bahagi ng Pilipinas, kabilang na ang Bicol Region.
May mga um-agree sa naging pahayag ng direktor pero marami rin ang kumontra. Pero palaban si Direk JP sa mga bumabatikos sa kanya at talagang sinasagot niya isa-isa ang mga ito para ipaglaban ang kanyang sarili.
“I stand by it. Weather news that is relevant to the common tao is landfall, typhoon strength, rains, floods.
“It entering the Philippine Area of Responsibility — an imaginary zone covered by PH meteorologists doesn’t mean anything yet. It only means binabantayan na ng weathermen.
“Di porke binabantayan ay may epektong direkta sa Pilipinas.
“Ngayon, kung mas gusto nyong nati-tense sa balita kahit na wala pang direktang epekto sa atin, aba e God bless sa inyo. Mag-sad react lang kayo nang mag-sad react everytime may balita na ‘nakapasok na ng PAR,'” mariin pa niyang depensa.
Komento ng isang netizen, “Sir. I respect you a lot but I think you should re-evaluate your stand here. To be honest your statement below doesn’t hold true. I have been monitoring the conditions of 3 sites in the Philippines from where I work and even before Kristine entered PAR, she has caused massive rains already in the metro, stranding employees and preventing them from reporting for work.
“So while the storm itself has not entered PAR, let’s not foget these weather systems pull wind and rain towards them so yes, people deserve to know. People deserve to understand the importance and meaning of proper words and terminologies.
“Just because something is jargon doesn’t mean others don’t have right to access their meaning. It entering the Philippine Area of Responsibility — an imaginary zone covered by PH meteorologists doesn’t mean anything yet. It only means binabantayan na ng weathermen.”
Sagot ng direktor, “My stand is for media to digest technical info into info that is easily comprehensible to the least common denominator. What is there to change in my stand?”
Komento naman ng isa niyang FB follower, “Flawed logic. Carina did not even touch the PH lands but was destructive dahil sa habagat. Ano yun? Saka lang magbabalita kapag andiyan na talaga bagyo? Huwag na huwag mong gagamitin neurodivergent card kapag nasupla ka uli ah.”
Resbak ni Direk, “Sinabi ko bang magbabalita lang pag nanjan na ang bagyo? Di ba pwedeng ibalita instead na tatama na ang bagyo imbes na flex ng technical terms na maaaring di maintindihan ng simpleng magsasaka o mamamalakaya? Bobo.”