Angelica Yulo dapat paghandaan ang pagrampa sa Mrs. Philippines 2025

Angelica Yulo dapat paghandaan ang rampahan, Q&A sa Mrs. Philippines 2025

Angelica Yulo

MAGKAKAIBA ang payo ng mga netizens sa panghihikayat sa nanay ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo na mag-join sa Mrs. Philippines 2025.

Marami kaming nababasa na nagsasabing wala namang mawawala kay Angelica sakaling pumayag siyang rumampa sa naturang pageant next year.

Pero meron naman ang nagkomento na huwag sanang patulan ng ina ng 2-time Olympic gold medalist ng Pilipinas na si Carlos ang nagbubuyong sumali siya sa Mrs. Philippines 2025.

Ayon sa comments ng ilang netizens, gagamitin lang daw ng mga bashers at haters ang pagsali ni Angelica sa naturang beauty pageant para wasakin siya at gawing katatawanan.

Pero in fairness, mismong ang presidente at may-ari ng Mrs. Philippines Organization na si Erika Joy Santos na ang nanghihikayat sa nanay ni Carlos na mag-join sa pageant dahil open naman ito sa lahat.

Baka Bet Mo: Mariz pinilit mag-join sa Bb. Pilipinas; Raffy nag-voiceover sa ‘That’s’

“I really wish to speak with her. Maybe I can be somehow a relief to her, kahit coffee lang. She’s very welcome to be joining the Mrs. Philippines 2025. Why not?” sabi ni Erika.

Sa March, 2025 magaganap ang Mrs. Philippines 2025 kung saan mananalo ng P150,000 ang tatanghaling reyna bukod pa sa korona at sash.


Sabi ng isang nakausap naming pageant fan, pwedeng-pwede naman daw rumampa si Angelica sa naturang pageant pero kailangang mas lakasan pa niya ang loob at kapalan pa ang mukha sakaling magdesisyon na nga siyang mag-join.

Sigurado raw kasi na mauungkat na naman ang mga isyu sa kanilang pamilya lalo na ang tungkol sa alitan nila ni Carlos na may kaugnayan sa usaping pera.

Agree kami sa mga payo ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa pag-join ni Angelica sa Mrs. Philippines pageant para mas lumaki ang chance niya na mag-win.

Unang-una raw ay magpapayat muna ang nanay ni Carlos sa pamamagitan ng tamang exercise at diet para mas maging fit and fab ito pagdating sa rampahan.

Sa interview ng BANDERA sa Kapuso host-comedienne, nabanggit ni Ai Ai na susuportahan niya si Angelica anuman ang magiging desisyon nito.

“Magpaseksi ka muna bago tayo sumali doon. Pero sa question ang answer, mukhang panalo ka! Mukhang panalo sa question and answer ang lola mo, day!” ani Ai Ai.

“Pero kailangan magpa-bump muna tayo, mader, para winner ka! Dapat uuwi kang winner! Kasi kapag hindi, kapag lotlot (talunan), naku patay tayo diyan! Maba-bash tayo!” chika pa ng Comedy Queen.

Read more...