Sam Verzosa bagong Oppa ng Maynila; ‘calling’ daw ang pagtakbong mayor

Sam Verzosa bagong Oppa ng Maynila; 'calling' daw ang pagtakbong mayor

Sam Verzosa

BUKOD pala sa palayaw niyang SV, tinatawag na rin ngayong bagong Oppa ng Maynila ang Tutok To Win Party-list Rep. na si Sam Verzosa.

In fairness, saksi kami kung paano pagkaguluhan, yakapin at halikan ng mga kababaihan si Sam sa tuwing namamahagi siya ng tulong sa iba’t ibang bahagi ng Kamaynilaan.

Nito nga lamang nagdaang araw ay muling nag-ikot sa ilang lugar sa Manila si SV, kabilang na ang Baseco kung saan tinatayang aabot sa 8,000 ang mga naninirahang residente.

Kitang-kita namin ang pagkagiliw ng mga kabataan, senior citizen at mga kababaihan (nanay at dalaga) kay SV na kumakandidatong mayor ng Maynila sa 2025 midterm elections.

Baka Bet Mo: Sam Verzosa namigay ng 100 food cart business sa mga taga-Maynila

At ang kanilang isinisigaw ay “Oppa! Oppa!” na siyempre’y ikinakikilig naman ni Sam. Pero more than the kilig, mas lalo pang ginaganahan ngayon ang kongresista at TV host na tumulong at magpaligaya ng kanyang mga kababayan.

Ngunit sa gitna nga ng kanyang pagtulong ay may mga tao pa ring naninira sa kanya at halatang kontra sa mga ginagawa nilang effort para mapabuti ang buhay ng mga taga-Maynila.

Sey ni SV, habang nagpapakalat ng fake news ang mga taong kumokontra sa ipinapangako niyang malinis at makabagong sistema sa local government ng Manila ay mas lalo raw siyang nanggigigil na tumulong.

“Hindi ko alam bakit may mga maling istorya sa social media tungkol sa akin. Nasabi ko na magdadala ako ng maraming negosyo sa Maynila pero ang lumalabas naman ngayon, puro negosyo ko raw ang dadalhin ko rito. Diyos ko naman!


“Hindi ko alam bakit ganu’n? Pero ngayon gagawin na nilang P1,000 monthly allowance. Nagbigay na kasi ako ng P2,000 sa mga seniors natin sa Sampaloc.

“Noong kumakalat na yang P2,000, ang ginawa naman ng City Hall ay itinaas na ng P1,000 ang monthly allowance ng seniors,” ani Sam.

Yun naman daw ang gustong ipaglaban ni Sam, ang mas pasayahin pa ang mga lolo at lola sa Maynila, at ang lahat ng residente roon. Nangako rin siya na lahat ng budget para sa lungsod ay ilalaan niya para sa mga tao.

“Kailangang masarap ang ayuda ng mga Manileños. Matagal ng lumilibot ang mga mobile clinics natin pero nabalitaan ko, magkakaroon na rin daw sila ng mobile clinics. So sinusunod ngayon ng mga namumuno yung kalidad ng serbisyo na ginagawa natin,” aniya pa.

Mensahe pa niya para sa mga kabataang naninirahan sa Maynila, “Nandito ako para magbigay ng inspirasyon sa kanila. Nakikita raw nila ako sa TV na tumutulong. Sabi ko sa kanila paglaki rin nila tumulong din sila at mag-aral ng mabuti.

“Naalala ko noong kabataan ko. Mahilig din ako maglaro ng basketball sa kalye pero nagsikap ako. Ang mga hinahangaan ko lang talaga noon mga magulang ko kasi sila yung madalas na nakikita ko.

“Wala pang social media noon. Hindi rin ako gaano nakakapanood ng TV. Ang laging masipag na nakikita ko noon mga magulang ko.

“Sabi lagi ng magulang ko wala silang ibang ipapamana sa akin kundi ang pag-aaral kaya nagsumikap talaga ako hanggang sa naging valedictorian ako, nakapasa ako sa UP Diliman at naging civil engineer ako. Yun ang ginamit ko para maiangat ko sarili ko sa kahirapan.


“Kung may pangarap ka sa buhay gagawin mo ang lahat para makamit mo yun. Magdasal sa Diyos at magkaroon din ng tiwala sa sarili,” paalala pa niya.

Para kay SV, itinuturing niyang “calling” ang pagtakbo niyang alkalde ng Maynila dahil ang feeling niya, mapapaganda at mas mabibigyan niya ng magandang buhay ang mga Manileño.

Read more...