NAKAKALOKA ang mga kaganapan pagkatapos ng kontrobersyal na Miss Grand International 2024 coronation night nitong nagdaang Biyernes, October 25.
Pinagpipiyestahan ngayon ng mga netizens ang umano’y video scandal ng Miss Grand Myanmar national director na si Htoo Ant Lwin, na kumalat sa social media after ng ginawa niyang pag-iiskandalo sa Miss Grand International pageant na ginanap sa MGI Hall, Bravo BKK Mall, Bangkok, Thailand.
Shookt ang netizens at beauty pageant fans all over the world nang pwersahang tanggalin ni Lwin ang korona at sash ng kanilang kandidatang si Miss Grand Myanmar 2024 Thae Su Nyein na siyang nanalong second runner-up.
Baka Bet Mo: Heart nagpaka-fan girl sa isang kandidato; Kapamilya shows humahataw sa Africa, Myanmar
Ito’y ginawa niya kahit hindi pa nakakababa sa stage ang kandidata. Ang rason – hindi raw matanggap ni Lwin na nganga si Thae Su Nyein.
Wala na raw nagawa ang kandidata at napaiyak na lang dahil umano sa matinding kahihiyang dinanas.
Ang nagwaging Miss Grand International 2024 ay ang bet ng India na si Rachel Gupta habang ang bet naman ng Pilipinas na si CJ Opiaza nanalong first runner-up, at sina Safiétou Kabengele ng France ang third runner-up, at Miss Brazil Talita Hartmann ang fourth runner-up.
Base sa isang live social media broadcast sinabi ni Lwin na hindi talaga niya matanggap na second runner-up lamang ang kanilang kandidata.
Binanggit daw kasi sa kanya ng Miss Grand International (MGI) president na si Nawat Itsaragrisil na nag-offer umano ng pera ang Indonesia para sa “Popular Vote.”
Kung nais din daw magwagi ng award ang Myanmar, ganito rin umano ang suggestion ng MGI na gawin nila. Pero sey daw ni Lwin, never siyang bibili ng award para sa kanilang kandidata at maninindigan sa tamamg proseso ng botohan sa pageant.
Ang ending, nakuha ni Miss Grand Indonesia Nova Liana ang Popular Vote award. Kasunod nga nito, mismong si Lwin na ang nagtanggal ng korona at sash ni Nyein.
Pagkatapos ng nasabing insidente, kumalat na nga ang isang maselang video umano ni Lwin na pinaniniwalaang pinakalat daw ng supporters ni Nawat.
Muling pinag-usapan ng mga netizens ang pagiging “porn star” daw ni Lwin noon bago pa siya naging national director ng Miss Grand Myanmar simula pa noong 2021 hanggang sa ngayon.
Sumabak din noon si Lwin sa male pageant, kabilang na ang pagiging bet ng Myanmar sa Mister Supranational 2017 na ginanap sa Poland.
Wala pang reaksyon o pahayag si Nawat sa mga akusasyon sa kanya ni Lwin.