Diana Mackey ibinandera na ang relasyon kay Kiefer Ravena: Mahal kita

Diana Mackey ibinandera na ang relasyon kay Kiefer Ravena: Mahal kita

Kiefer Ravena at Diana Mackey

IBINANDERA na ng cager na si Kiefer Ravena at ng beauty queen na si Diana Mackey sa buong universe ang kanilang relasyon.

Mismong si Diana ang nagkumpirna sa “in-a-relationship” status nila ng professional basketball player sa pamamagitan ng social media.

Ibinahagi ng dating “Pinoy Big Brother” housemate sa kanyang Instagram page kahapon, October 27, ang mga sweet photos nila ni Kiefer kasabay ng pagbati sa 31st birthday ng binata.

Ayon kay Diana, “best plot twist” ng 2024 at pinakanakakalokang nangyari sa taong ito ang pagdating ni Kiefer sa kanyang buhay.

Baka Bet Mo: Diana ilang beses nag-audition sa ABS-CBN: Simula Star Circle 1 hanggang 10, ako po’y nag-apply pero naligwak ang lola n’yo

“Happy birthday @kieferravena15 the best plot twist of my 2024 (laughing emoji) getting to know you has been the craziest yet most exciting adventure,” ang bahagi ng caption ng beauty queen sa kanyang IG post.

Sey pa ni Diana, mas lalo pa raw siyang na-in love sa basketball star dahil sa pagiging maalalahanin nito bukod pa sa kabaitan at pagiging pursigido sa lahat ng bagay.

“You are the most hard working, passionate, caring person I know and you continue to amaze me everyday.


“Couldn’t be prouder of you and all the amazing things you have and will accomplish,” ani Diana.

Wish ng dalaga na mas lalo pang i-bless ang relasyon nila ni Kiefer at tumagal pa silang ng maraming-maraming taon.

“Cheers to celebrating our first of many birthdays together! Mahal kita (finger heart emoji).

“P.S. can’t wait to watch you play live and be the annoying overly supportive girlfriend sitting on the bench,” pahabol pa niya.

Nagpasalamat naman si Kiefer sa kanyang girlfriend sa comments section ng post ni Diana, “Thank you, My love!! I love you!”

Nagsimulang maging hot item sina Kiefer at Diana noong July, 2024, nang makita silang magkasama at sweet na sweet sa Siargao.

Naging dyowa noon ni Kiefer ang professional volleyball player na si Alyssa Valdez pero nagkahiwalay din noong May, 2022.

Read more...