Michael Leyva ‘daddy’ ni Bimby; nagbibigay din ng pera kay Kris

Michael Leyva 'daddy' ni Bimby; nagbibigay din ng pera kay Kris

Kris Aquino, Joshua, Bimby at Michael Leyva

“DAD” pala ang tawag ng anak ni Kris Aquino na si Bimby sa kilalang fashion designer na si Micheal Leyva.

Ito ang isa sa naging bahagi ng chikahan ng Queen of All Media at ng kanyang kaibigan at dating entertainment editor na si Kuya Dindo Balares kahapon.

Naging emosyonal nga raw ang TV host-actress nang makita ang ginawa at ibinigay na birthday card ng bunso niyang anak kay Michael kamakailan.

Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ni Kuya Dindo ang naging usapan nila ni Kris na kasalukuyan pa ring nasa ospital ngayon kung saan sasailalim uli siya sa isang bagong medical procedure.

Baka Bet Mo: Michael Leyva napagkamalang kumakandidato ngayong eleksyon: I am not running

Ang FB status ni Kuya Dindo ay may titulong, “BIMB, BAKIT DAD ANG TURING KAY MICHAEL LEYVA?”

“First topic namin ni Kris Aquino pagtawag niya ang kanyang ipinadalang soft copy ng birthday card na ginawa at ibinigay ni Bimb kay Michael Leyva.


“Birthday last October 22 ng wonder boy ng fashion industry, na kasalukuyang muling umaani ng mga papuri ang almost magical creations sa ibang bansa.

“‘This was Bimb’s birthday card to Michael Leyva,’ kuwento ni Kris. ‘Naluha ako,'” simulang pagbabahagi ng malapit na kaibigan ni Kris.

“Sa card, ‘Dad’ ang tawag ni Bimb kay Michael. Madaling unawain kung bakit,” sabi pa ni Kuya Dindo.

Patuloy pa niya, “Almost magical din ang pag-alalay at pagtulong na ginagawa sa kanila ni Michael Leyva ngayong may sakit ang kanyang Mama Kris at bugbog sa sobrang gastos sa pagpapagamot.

“Aware si Bimb na kusang bumubunot sa bulsa si Michael para sa kanilang mag-iina. Maging para sa kanyang homeschooling.

“‘I said he didn’t have to,’ sabi ni Kris. ‘He said Kuya (Josh) and Bimb are his sons. And he’s really been in every sense of the word.’

“Kaya siya naluha sa nakasulat sa birthday card,” sabi pa.


Sey pa ni Kris sa kanya, “‘Kuya Dindo sobrang sipag niya! He’s now in Dubai for a show. Sometimes he flies to Bangkok overnight to source tela himself.’

“Paano nakaka-afford si Michael na tumulong sa isang single parent at maysakit na prinsesa?

“‘Kuya Dindo per wedding easily P1.5M siya for bride and mom of bride & flower girls. If full entourage easily P3M.’

“Hindi lahat ng tao, marunong tumanaw kapag nagiging successful na,” sabi pa ni Kuya Dindo sa premyadong TV host.

Sagot daw ni Kris, “‘He always says in 2015 for brother’s (President Noynoy Aquino) last SONA — he was 26 and made my gown. In his words not even a ‘starlet’ pa lang siya.

“‘He said I opened the door for him. Wala raw Michael Leyva without me.”

“Matatandaan na si Michael din ang gumawa ng red carpet gown ni Kris sa Crazy Rich Asians.

“’She trusted me to make her gown for PNoy’s last SONA when I was nothing,’ wika ni Michael Leyva sa interview last July. ‘I will be forever grateful for that. It opened so many blessings and opportunities for me as a designer.’

“Ang ilan sa famous clients ni Michael Leyva ngayon ay sina First Lady Liza Araneta Marcos, FVP Leni Robredo, Anne Curtis, Heart Evangelista, Pia Wurtzbach, Regine Velasquez, Andrea Brillantes, at Vice Ganda.

“Marami pa kaming pinag-usapan ni Krisy. Pero itutulog ko na muna’t baka sa sobrang puyat masulat ko pa ang mga hindi dapat. Bukas na lang uli!” sey pa ni Kuya Dindo.

Read more...