Trauma sa lalaki, bulag na babae tampok sa ‘Baligtaran’, ‘Ungol’

Trauma sa lalaki, bulag na babae tampok sa 'Baligtaran', 'Ungol'

Apple Dy, Direk Aya Topacio, Ghion Espinosa, Stephanie Raz at Direk Bobby Bonifacio

NGAYONG November, dalawang bagong pelikula ang madadagdag sa sexy-drama movie list ng Vivamax — ang “Baligtaran” at “Ungol“.

Isang DJ na may masalimuot na nakaraan ang mahuhulog sa isang relasyon na maaaring magdala ng paghilom o muling pagkabigo sa “Baligtaran,” mula sa direksyon ni Aya Topacio.

Pinagbibidahan nina Apple Dy, Skye Gonzaga, at Calvin Reyes, eksklusibo itong mapapanood sa VMX simula November 1.

Ang “Baligtaran” ay tungkol kay Kat (Dy), isang DJ na hinahangaan ng marami dahil sa kanyang ganda at talent.

Baka Bet Mo: Kat Alano umalma sa pamba-bash na natatanggap: Akala n’yo madali ito?

Ngunit sa likod nito ay isang mapait na trauma — isang karanasan kung saan muntik na siyang magahasa, dahilan para tuluyang magbago ang kanyang pananaw sa mga lalaki.


Isang gabi, makikilala ni Kat si Denise (Gonzaga), isang liberated pansexual woman, pagkatapos siyang iligtas nito mula sa isang agresibong club-goer.

Si Denise, na matagal na palang may lihim na atraksyon kay Kat, ay magsisimulang ligawan ito. Isang affair ang mabubuo sa kanila na magdadala ng ligaya at sakit. Sanay si Denise sa casual relationships, dahil lover din siya ni Ace (Reyes), ang may-ari ng club.

Bagama’t sa una ay hindi komportable dito si Kat, papayag din siya sa mga “sexploits” ni Denise kinalaunan, basta at hindi niya malalaman ang mga detalye.

Hihimukin din ni Denise si Kat na sumubok ng mas adventurous na sexual escapades, isang bagay na magpapabalik kay Kat ng kanyang takot.

Maguguluhan si Kat sa babaeng unti-unti na niyang minamahal dahil sa mga anino ng kanyang trauma. Kailangan niyang mag-desisyon kung pagkakatiwalaan ba niya si Denise o sasaktan lamang siya nito.

* * *

Isa pang sexy-drama Vivamax Original Movie mula sa direksyon ni Bobby Bonifacio ang aabangan mo ngayong November.

Humanda nang isigaw ang pinakamalakas na ungol at makaramdam ng kakaibang sarap, panoorin ang “Ungol” ngayong November 8 sa VMX.

Pinagbibidahan nina Audrey Avila, Stephanie Raz, Chad Solano, at Ghion Espinosa, Ang ‘Ungol’ ay kuwento ni Gin, isang bulag na dalaga na may makeshift motel sa magulo at masikip na lugar.

Sa motel niyang ito nagnanakaw ng sandali ang mga magkarelasyon o mga indibidwal na gustong maging pribado habang pinapaligaya ang mga sarili.

Kahit na mag-isa sa buhay, laging maasahan at matatakbuhan ni Gin ang best friend nitong si Abet, na matagal ng may gusto at nararamdaman para sa kanya.

Dahil hindi siya nakakakita, malakas ang pakiramdam ni Gin tungkol sa mga nangyayari sa paligid, kaya naman sa mga maninipis na pader ng kanyang makeshift motel, naririnig niya ang bawat ingay, sigaw, at ungol ng mga customers habang nakikipagtalik.


Binubuhay naman ng mga ingay na ito ang kalamnan ni Gin at nagpapantasya na siya rin ay nasa ganoong sitwasyon.

May mga regular guest na rin ang negosyo ni Gin, tulad ni Leo, na madalas ay mag check in kasama ang ka-good time na si Ola.

Sa lahat ng mga nagiging guest ni Gin, may kakaibang pagnanasa sa kanya kapag naririnig niya ang pag-ungol ni Leo, at matagal na rin niyang inaasam na sana siya naman ang maikama ng binata.

Hanggang kailan pakikinggan ni Gin ang ginagawa ng kanyang mga guest? Mapansin pa kaya niya ang labis na pagmamahal ni Abet para sa kanya? O mananatili siyang hibang kay Leo at aasa na balang araw ay pangalan naman niya ang iuungol nito sa sarap?

Mapapanood na ang ‘Ungol’ exclusively sa Vivamax ngayong November 8, 2024.

Read more...