John Arcilla humugot: Hindi kailangang magpalitan ng masasakit na salita

John Arcilla humugot: Hindi kailangang magpalitan ng masasakit na salita

Ruru Madrid at John Arcilla

HINDI maiwasan ng award-winning actor na si John Arcilla ang maging sentimental sa pagsasanib-pwersa ng tatlong TV network sa Pilipinas.

Natutuwa si John na makitang nagko-collab na ang tatlong giant network sa bansa at nagkakaroon na ng pagkakataon na magkatrabaho ang mga Kapamilya, Kapuso at Kapatid stars.

Sa kanyang Facebook post, nabanggit din ng veteran at internationally-acclaimed actor na masaya rin siyang makita na magkakasundo ang mga bossing ng tatlong TV network.

Ito’y matapos ngang ibandera ng GMA 7 na makakasama si John sa season 2 ng action-drama series na “Lolong” na pagbibidahan pa rin ni Ruru Madrid.

Gaganap si John bilang si Julio Figueroa, isang makapangyarihang negosyante na namumuno rin sa isang sindikatong kriminal. Pero tulad ng inaasahan ay may mga nangnega sa pagtanggap niya ng serye sa GMA 7.

Baka Bet Mo: Liza matapang na sinagot ang mga tumawag sa kanya ng ‘walang utang na loob’, ‘ingrata’; may mensahe kay Ogie Diaz

“Sana maramdaman ninyo ang nararamdaman ko tuwing nakikita ko ang mga BIG BOSS ng tatlong TV Network na magkakaharap sa isang lamesa, nagkukwentuhan na masaya, magkakasundo at magkakaibigan. Nakakatuwa silang tingnan,” ang bahagi ng FB status ni John Arcilla.

Dugtong pa niya, “Iisa lang ho kasi ang trabaho namin, pasayahin kayo, magbigay ng aral ang aming mga teleserye at impormasyon ang mga programa sa public affairs.


“Ok lang naman ang may maliliit na kumpetisyon. Pero gawin ho natin na healthy competition. Hindi natin kailangan magpalitan ng masasakit na salita,” lahad ng beteranong aktor.

Nagpasalamat din siya kay Annette Gozon ng GMA 7, sa manager niyang si Lauren Dyogi ng Star Magic, Cory Vidanes, at Carlo Katigbak ng ABS-CBN.

Last year nang magsimula ang collaboration project ng ABS-CBN at GMA Network sa pamamagitan ng seryeng “Unbreak My Heart” na pinagbidahan nina Jodi Sta. Maria, Joshua Garcia at Gabbi Garcia.

Bukod dito, nagsanib-pwersa rin ang Kapamilya at Kapuso sa pamamagitan ng pag-ere ng “It’s Showtime” sa GMA 7 at GTV.

Taong 2023 rin nagpirmahan ng kontrata ang TV5 at ABS-CBN para sa five-year content agreement.

Read more...