Jona ido-donate ang TF sa nasalanta ni Kristine; nanawagan sa pet owners

Jona ido-donate ang TF sa nasalanta ni Kristine; nanawagan sa pet owners

Jona at ang kanyang mga Talagang hayop

NANAWAGAN ang Birit Queen na si Jona sa lahat ng fur parents na huwag na huwag din pababayaan ang mga alagang hayop sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Isa si Jona sa mga Kapamilya stars na nakiisa sa online donation drive na “Tulong-tulong Hanggang Dulo” para sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong Kristine.

Bukod sa pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng hagupit ni Kristine ay muling nagpaalala si Jona sa mga may alagang hayop na hangga’t maaari at kung may pagkakataon ay gawan din ng paraan para mailigtas ang ating mga pets.

Dito nga naikuwento ng dalaga na kahit bumabagyo na ay nagdesisyon siya na sunduin ang isa niyang rescued pet mula sa isang veterinary clinic.

“Kailangan po naming pumunta sa vet clinic kasi for discharge na po ‘yung rescued na pusa po namin na na-confine for how many days so ayun nasa labas po kami kalsada,” sey ni Jona sa panayam ng ABS-CBN.

Baka Bet Mo: Jona dedma lang sa politika noon, pero naninindigan para kay Leni Robredo ngayon

“Siyempre nakakatakot ‘yung feeling kasi pabugso-bugso ang lakas ng ulan lakas ng hangin, tapos may mga nababalitaan ka pa sa social media na hindi lang lubog sa baha kundi lubog sa putik, buhangin at lahar so talagang nakaka-heartbroken po,” aniya pa.


Naapektuhan din daw ang kanilang animal shelter sa Rizal kung saan nila inaalagaan ang kanilang rescued dogs and cats.

“Iyung mga rescued (pets) po namin na nasa Tanay, ang hirap sa pakiramdam kasi we cannot be there so ang andon lang ‘yung mga caretaker.

“So nag-report sila sa amin na natutuklap nga daw ang mga flooring nila and plastic matting nila, imagine mo ‘yung takot nila and stress ng mga alaga namin na nandnu’n.

“Pero nagawan naman po ng paraan na-transfer lang sa ibang houses so far okay naman sila, so pag bumuti na ang panahon kailangan lang i-reinforce ‘yung mga medyo nasira,” sabi ng biriterang singer.

Nagbigay din siya ng ilang paalala bilang isang animal rights advocate, sa mga pet owners sa oras ng kalamidad.

“Sa ngayon ang pinakamagagawa ko lang talaga is to post on social media and to encourage, to remind ang mga kababayan po natin na huwag rin nilang iwan ang mga alaga nila.

“And ano rin kapag may nadadaanan rin po kami along the way na mga aso, may mga owner sila pero nasa kulungan pero hindi re-inforeced ang mga tabing nila kasi sa lakas ng ulan at hangin nababasa rin sila sa kulungan so kumakatok kami sa bahay ng may-ari para i-remind and sabihin na baka puwedeng matakpan ng trapal,” ani Jona.

Panawagan pa ni Jona, “Sa lahat po ng mga kababayan po natin na nasalanta ng bagyong  Kristine, kapit lang po tayo and wag po tayo mawalan ng pag-asa and in time, makakabangon rin po tayo.

“And huwag po kayong mag-alala kasi darating rin po ang tulong na kailangan po natin. Patience lang may darating at darating na tulong.

“And sa lahat naman ng fur parents and lahat ng mga may alaga mapa-farm animals man or dogs and cats, huwag po natin silang pababayaan, huwag po natin silang kakalimutan kapag may mga ganitong sakuna may God bless us all po,” dagdag pa niya.

Pahabol pa niya, “Yung mga upcoming shows ko po this November plan ko po i-donate ‘yung some of the talent fee ko sa mga paparating ko po na shows this November para kahit paano maka-help.”

Read more...