Joyce Ching nanganak na: Our firstborn is finally here

Joyce Ching nanganak na: Our firstborn is finally here

IPINANGANAK na ng Kapuso actress na si Joyce Ching ang panganay nilang anak na si Kevin Alimon nitong Sabado, October 26.

Ang masayang balita ay ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram page kalakip ng kauna-unahan nilang family picture.

“Our firstborn is finally here. We love you so much, our little Hawhaw. Thank you to everyone who prayed for us,” saad ni Joyce sa caption.

Marami naman sa mga netizens pati na rin sa kanilang showbiz friends ang nagpaabot ng kanilang mensahe para sa mag-asawa.

Baka Bet Mo: Baby girl ang unang magiging anak nina Joyce Ching at Kevin Alimon

“Congrats, Joyce,” saad ng isang netizen.

Comment naman ni Rodjun Cruz, “Congratulations sa inyo @chingjoyce welcome to the world Baby Girl ”

“Congrats guys!!!” sey naman ni EA Guzman.

Una naman niyang ipinasilip ang ilang detalye ng pagbubuntis noong

March sa pamamagitan ng kanyang vlog.

Nitong June ay ibinandera rin niya ang pagbubuntis niya nitong June sa kanyang Instagram page.

Read more...